Nasa kultura ng kahit anong bansa ang pagbigay-pugay sa taong pumanaw na lalo na’t ito’y nagbigay nang malaking kontribusyon sa isang komunidad o bansa.
Ang pagbibigay-pugay ay respeto at pagsasariwa sa kanyang mga kahanga-hangang nagawa noong siya’y nabubuhay pa.
Malungkot na balita ang pagpanaw ni dating President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.
Ang mas nakakalungkot, marami sa kaniyang mga kapartido at kaalyado partikular ang mga may ambisyon sa pulitika ay sinakyan ang pangyayaring ito.
Kanya-kanya ang motibong nakatago. Lalo ‘yung mga gustong tumakbo at mga nag-aasam-asam na tumakbo sa higher office o di naman kaya sa national office.
Ginagamit ang malungkot na pangyayari para makapuntos, sinusubukang makaisa kaya sundot-pailalim ang estilo.
Alam n’yo ba ‘yung mga salitang “Tatak-PNoy” gaya ng daang matuwid; kayo ang boss ko; kung walang korap, walang mahirap; bawal ang wangwang sa kalsada; saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?
Bantayan n’yo kung sinu-sino ang mga gagamit nitong mga bywords ni PNoy sa mga susunod na araw.
Gagamitin itong plataporma at campaign slogan – wala namang masama.
At the end of the day, ang tao ang huhusga sa balota. Kung babagay ba ito sa pulitikong gagamit at kapani-paniwala sa publiko.
O mga epal, huwag na kayong mahiya. Malay niyo, magka-déjà vu: yung nangyari noong 2009 nang yumao si dating Pres. Cory Aquino – 2010 nang manalo si PNoy.
Wala na ‘yung tatay, wala na yung nanay, wala na yung anak. Wala naman puwedeng pagpasahan, lahat pekendos na.
Kaya ang tanong, sino?!