Hanapbuhay sa gitna ng COVID-19
ANG COVID-19 pandemic ay hindi lamang napakalaking health o medical disaster para sa ating lahat. Milyon na rin ang na-infected sa buong mundo at marami na ang namatay.
Maliban sa medical problems, ang COVID-19 ay isa ring economic disaster na talagang walang industriyang hindi naapektuhan. Marami ang nagsarang malalaking kompanya pati na airlines dahil nga malaki ang nawala sa mga dapat na routes kahit saang lupalop ng mundo.
At sa gitna ng lahat ng problema natin sa COVID-19, hindi naman nawawalan ng pag-asa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na matatapos din ang problema sa COVID-19 at muli tayong aahon.
Nakapanayam ko si TESDA Sec. Sid Lapena na balita ko ay dumadayo pa sa kanayunan at kahit sa tuktok ng mga bundok upang madala ang pamahalaan sa mga tao roon.
Ang lalayo nga ng mga hinterland communities ang naaabot ni Lapena at ng kanyang staff upang maisiguro lang na matulungan ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng proper training kung anumang resources meron sila.
‘Ika nga – ‘‘TESDA sets direction, promulgates relevant standards, and implements programs geared towards a quality-assured and inclusive technical education and skills development and certification system’’.
Walang hinto ang mga skills training ng TESDA para sa mga kababayan natin kahit nasaan pa man sila.
Saludo ako sa mga ginagawang hakbang ni Lapena at ng kanyang staff in bringing government to the people at sa paghahanda sa ating mga kababayan sa hinaharap na buhay sa gitna ng pandemya.
- Latest