^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Natuldukan ang polio habang may COVID

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Natuldukan ang polio habang may COVID

Tapos na ang pananalasa ng poliovirus sa Pilipinas. Dahil dito, pinuri ng World Health Organization (WHO) ang pamahalaan dahil sa maigting na kampanya ng pamahalaan noong 2019 para ganap na mawala ang virus. Nagsagawa nang malawakang anti-polio vaccination campaign ang Department of Health (DOH) at naging matagumpay ito. Umabot sa 30 milyong doses ng oral polio vaccines ang naibigay sa mga sanggol at bata. Tinatayang 11 milyong batang Pinoy ang nabakunahan ng anti-polio noong 2019 hanggang 2020.

Sabi ng WHO, kapuri-puri ang Pilipinas sa na-ging kampanya laban sa polio kahit na nakikipaglaban sa COVID pandemic. Magandang halimbawa umano ang Pilipinas sa iba pang bansa dahil sa pagsisikap na malabanan ang polio.

Idineklara na ang Pilipinas na polio free mula pa noong 2000 subalit bumalik ang virus dahil sa maruming kapaligiran. Noong 2018, nagdeklara ng polio outbreak ang DOH dahil sa paglobo ng mga batang nagka-polio. May batang nakitaan ng polio sa Metro Manila at meron din sa Visayas at Mindanao. Ang maruming tubig, kawalan ng sa-riling kubeta o toilet ang dahilan kaya kumakalat ang poliovirus. Nabubuhay ang poliovirus sa mga imburnal, poso negro o sewage.

Mapanganib ang polio kaya nananawagan ang DOH sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na wala pang limang taong gulang. Kapag nabakunahan ang mga bata, 95 percent na silang ligtas sa polio.

Ipinaliwanag ng DOH na walang gamot sa polio kundi ang kumpletong bakuna.

Maging malinis sa kapaligiran para hindi mabuhay ang poliovirus. Panatilihin ang proper sanitation. Ito ang mga dapat tandaan para hindi na muling bumalik ang poliovirus.

Nagtagumpay na ang Pilipinas sa polio at sa kasakuyang pakikibaka sa COVID-19 pandemic, magtatagumpay din dito kung susunod sa health protocols. Makakayang labanan ang mga sakit sa tamang pag-iingat at pagsunod sa batas.

COVID-19

DOH

WHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with