^

PSN Opinyon

Turismo at kuwentong-motorsiklo

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Turismo at kuwentong-motorsiklo
Katulong ng Department of Tourism si ex-senator JV Ejercito sa kanilang kampanyang “Moto Tourismo.” Nilalayong pasikatin pa ng Moto Tourismo ang domestic travels sa tulong ng riders gaya nina JV.
JV Ejercito’s Instagram account

Dahil sa takot sa COVID, napilitang mag-impose ng travel ban ang mga bansa. Kaya tuluyan nang bumagsak ang travel industry sa buong mundo. Ayon sa ulat ng United Nations World Tourism Organization nung Enero, bumaba ang bilang ng international arrivals mula 1.461 billion nung 2019 sa 381 million na lamang nung 2020. Nawalan din daw tayo ng tinatayang $1.3 trillion na global export revenues.

Pero sa gitna ng nawalang mga buhay at trabaho nang dahil sa pandemya, meron din namang pwedeng tawaging mga “biyaya” sa gitna ng krisis na ito. Kasama na rito ang ating pagdiskubre ng mga bago sa ating buhay—bagong skills gaya ng baking, bagong hobbies gaya ng gardening, o bagong passion projects gaya ng vlogs. Ako mismo ay nakuhang i-launch ang aking bagong digital platform na Tita Jing Online—kung saan nga ako nag-ho-host ng live sessions tungkol sa current events, health at lifestyle. Matagumpay ko itong nagawa noong nakaraang taon, gayong hindi ko ito maumpisahan noong may prangkisa pa ang ABS-CBN dahil abala ako bilang news anchor, host at Bantay Bata 163 program director.

Bros dahil sa bike

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by LA Tenorio (@la_tenorio)

 

Naging malapit sina JV, LA at KG sa Club 9T, ang kanilang biker’s club na hinalaw ang pangalan sa BMW R nineT model na kanilang minamaneho. Mas naunang naging biker sina JV at KG, samantalang bago magpandemya lang sinubukan ni LA ang hobby.

Iba’t-ibang panahon man sila nagkainteres sa pagmomotor, iisa naman ang kanilang rason kung bakit sila nawili rito. Nakaka-relax daw talaga! Enjoy sila sa bawat detalye ng kanilang trip—ang mismong byahe, ang mga magagandang tanawin na kanilang nararating, at ang mga masasarap na pagkaing kanilang nasusubukan sa bawat pagbisita. Nagiging therapy na nga raw nila ito sa kanilang busy schedules, lalo na’t mga workaholic sila.

“Iba yung nag-mo-motor ka ng two wheels compared to a car. Every ride is an adventure! You feel the wind. You can appreciate the surroundings more. Tsaka yung adrenaline rush—kumpleto!” Kuwento pa ni JV, “Outlet namin ito outside of our profession kung saan kami nakaka-release ng stress at nakaka-relax.”

“May halong takot at kaba, pero to be honest kung nakasakay ka na, parang di mo na iisipin kasi nag-e-enjoy ka,” dagdag naman ni KG.

Na-in love na nang tuluyan ang boys sa pagmomotor. Madalas silang kasama ng riders na nagtitipon-tipon sa gas stations sa NLEX o SLEX para sa isang weekend adventure. Kasama ang Club 9T, isang beses kada tatlong buwan daw kung magmotor sina JV, LA at KG papunta sa malalapit na lugar gaya ng Tagaytay at Batangas.  Bukod naman sa Club 9T, kabilang din sila sa iba’t-iba pang clubs.  Kaya mas lalong dumami raw ang mga nakikilala nilang kaibigan sa mga ito.

Sabi pa ni LA na kasama naman sina Mark Caguioa, James Yap, at JC Intal sa PBA Moto-Club, “Maganda rin na may iba kang kakilala at nakakakuwentuhan ng iba’t-ibang experiences mo.”

Gaano kaligtas ang pagmomotor?

Sa bawat biyahe, di nakalilimutang mag-post online nina JV, LA at KG. Para saan pa nga ba ang pagmomotor nila at pagpasyal sa mga magagandang lugar sa labas ng Metro Manila kung hindi man lang nila ma-i-share ito online? Pero enjoy man sila sa kanilang newfound hobby, hindi pa rin maiiwasan ang pangamba lalo na kung pag-uusapan ang kaligtasan.

Merong dalang peligro ang bawat sport. Pero ang sagot ng mga boys natin dito: May improvements na ngayon na nakatutulong ilayo ang riders sa panganib. Sabi pa ni JV, na-update na ang EBS Electronic Braking System sa mga bikes na nakatutulong sa stability at manoeuvrability nito. May mga nakalagay na ring communications system sa mga helmet na nagiging daan para magkausap-usap ang mga rider habang nasa biyahe.

Sabi pa ni JV, nakatutulong ang communications system na ito, hindi lang sa mas madaling pagbibigay ng directions at instructions sa daan, kundi pati na rin sa pag-aalis sa pagkabagot nila pag sila ay pagod na sa pagmomotor. “We talk to each other, we communicate constantly, warning each other of the hazards, tulad ng kung may tumatawid o may makakasalubong,” dagdag pa niya, “Nagkukuwentuhan kami about our different lives. Pag long ride, nakaka-bore din. So minsan pati chismis, napag-uusapan nyo sa haba ng ride!”

Gayunpaman, naniniwala sina JV, LA at KG sa “defensive riding.” Isa itong practice sa pagmomotor na kontra disgrasya—para sa huli ay mabawasan ang bilang ng mga aksidente na may kaugnayan sa pagmomotor. Noong 2020 nga, tumaas pa ng 3.5% o 229 mula sa 221 noong 2019 ang mga naaksidente dahil sa motor.

Mungkahi naman nina JV, LA at KG sa mga nais maging hobbysist katulad nila, mag-invest muna sa gamit. Makatutulong din ang riding schools na ino-offer ng mga brand gaya ng BMW, Ducati, at Honda para matutunan muna ang mga tamang techniques.

“Bago mo papormahin motor mo, mag-invest ka muna sa sarili mo—yung mga suot na gear at helmet. Tsaka mo na pagandahin ang motor mo,” sabi ni KG.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kg Canaleta (@kg_canaleta)

 

Ang riding “rookie” namang si LA, minumungkahi rin ang pagsali sa clubs. “Kaya yun din ang importance of riding with someone kasi maiiwasan mo yung accidents. Of course, lagi ring magdarasal.”

Lumalawak na nga raw talaga ang riding community. Sabi pa ng tatlong boys, may women clubs na ring sumasabay sa pag-uso ng hobby na ito.

Pagsuporta sa ‘Moto Tourismo PH’

Hindi lang sina JV, LA at KG ang mga sikat na personalidad na nagmomotor. Mag-Instagram ka lang at makikita mo ang mga kagaya nina Jericho Rosales, Raymart Santiago at Kim Atienza na nahuhumaling na rin sa riding. Nung Mayo, ni-launch ni Dominic Roque ang kanyang unang vlog na kuha pa sa GoPro habang nakamotor—dito nya isinalaysay ang kanyang pagiging rider.

Pero hindi lang para magkaroon ng likes at followers ang rason sa pag-po-post ng ating celebrity riders ng ganitong klaseng content. Ang dating public official na si JV nga, katulong ang Tourism Promotions Board sa kanilang kampanyang “Moto Tourismo.” Nilalayong pasikatin pa ng Moto Tourismo ang domestic travels sa tulong ng online posts ng riders gaya nina JV.

Noong Mayo, ni-launch din ni JV ang kanyang vlog na “The Good Ones” kung saan niya ipinapalabas ang kanyang riding adventures habang pinapakita ang magagandang destinasyon sa bansa. Halaw ang title ng kanyang vlog sa ginamit nyang reelection slogan nung 2019.

“It’s about anything good in the country—good views, good vibes, good food!” kuwento ni JV. “Kaming mga riders, alam na namin ang mga magagandang lugar. Alam namin ang masasarap na kainan. We will share  (online) yung mga discoveries namin, mga lugar na itinuturing na hidden treasures na ang gaganda pala.”

Nakarating na si JV sa mga malalayong lugar gaya ng Villa Vitalis sa Santiago, Ilocos Sur; Ambuklao Dam sa Benguet; at BenCab Museum sa Baguio.  Ang paboritong lugar na nagawan nya ng episode ay ang panghuli dahil mismong ang National Artist na si BenCab ang kasama sa vlog.

Nag-vo-vlog rin si LA gaya ni JV. Kasama nya sa “D’LaZY Road Trip” ang mga kaibigang artista riders na sina Zanjoe Marudo at Yubs Azarcon. Bida naman ang hometown nilang Batangas sa kanilang vlog.

“Ang ganda ng Pilipinas! Dun namin na-realize talaga. Dati pag off-season ng PBA, iisipin naming mangibang bansa. Now with this vlog, dun namin na-realize you don’t have to go abroad para makapag-relax at makakita ng magandang tanawin,” sabi ni LA.

Pagtatapos naman ni JV, “In every crisis, there’s an opportunity. (The travel ban is) an opportunity for us to rediscover the Philippines. Ang ganda ng Pilipinas! You just have to go out!”

---

Please watch Pamilya Talk on FacebookYouTube and Kumu (@JingCastaneda – 6pm Monday & Wednesday; 7 p.m. Tuesday). Please share your stories or suggest topics at [email protected]. You can also follow and send your comments via my social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTwitter and Kumu.

MOTORCYCLE

TOURISM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with