^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kahit nabakunahan na mag-face mask pa rin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kahit nabakunahan na mag-face mask pa rin

Ang Department of Health (DOH) na rin ang nag­­sabi noon na kahit nabakunahan na ay puwede pa ring tamaan ng virus. Kaya ang panukala na papa­yagan nang huwag mag-face mask ang mga fully vacci­na­ted na indibiduwal ay hindi pa nararapat. Kahit na siguro sa mga lugar na mababa ang kaso ng CO­VID-19 ay hindi pa rin dapat payagan. Paliwa­nag ng DOH, ang pag-aalis daw ng face mask ay bilang insentibo sa kusang-loob nilang pagbabakuna.

Pero sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pag-aaralan pa nila itong mabuti. Kung pa­payagan ang rekomendasyon, gagawin lamang ang hindi pagsusuot ng face mask sa mga lugar na tala­­gang mababa ang kaso ng COVID-19. Titingnan din kung ang mga lugar na papayagan na hindi na magsusuot ng face mask ay may maayos na health care facilities.

Ang panukalang hindi na magsusuot ng face mask ang mga bakunado ay dahil sa rekomendasyon ng OCTA Research Group. Ang OCTA ang nagsabi na unti-unti nang bumababa ang kaso ng COVID kaya dapat magkaroon ng paghahanda ang pamahalaan sa pagluluwag ng restrictions.

Sa aming paniwala, hindi pa dapat alisin ang face mask kahit pa fully vaccinated na ang indibiduwal. Walang kaseguruhan na ligtas na at hindi na kakapitan ng virus ang bakunado. Nararapat pa ring panatilihin ang pagsusuot ng face mask habang hindi pa lubusang nababakunahan ang mga residente sa lugar. Ang face mask ang masasabi pa ring unang pananggalang para hindi dapuan ng virus.

Mas makabubuti kung ipupursigi pa nang todo ng DOH ang malawakang pagbabakuna para lubusang maabot ang herd immunity. Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez, maaaring sa Setyembre pa magkaroon ng mass vaccination. Sa kasalukuyan­, hindi pa rin makasapat ang mga bakuna kaya marami pa ang hindi natuturukan. Marami na ang gustong magpabakuna pero ang problema ay walang ibabakuna.

Isakatuparan muna ang pagbabakuna at saka na pag-aralan kung aalisin nang tuluyan ang face mask. Sa ngayon, mas mahalagang mabakunahan ang ma­ma­mayan sapagkat mataas pa rin ang infection at marami na ring variant.

COVID-19

DEPARTMENT OF HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with