Mag-ingat dahil marami ang may sakit sa kidneys. Narito ang ilang mahahalagang payo kung paano iingatan at mapapangalagaan ang ating kidneys o mga bato.
1. Ang nephrotic syndrome ay isang sakit kung saan ang isang tao ay naglalabas ng protina ang mga kidneys ng pasyente at puwedeng magmanas ang paa at mukha.
2. Kung may sakit sa kidneys, mag-ingat sa high-protein diet tulad ng Southbeach at Atkin’s diet dahil ito’y magpapahirap sa trabaho ng kidneys.
3. May 2,000 Pilipino kada taon ang nangangailangan ng dialysis. Kalahati sa kanila ay walang pera para umpisahan ang dialysis.
4. Ang dialysis ay isa sa pinakamahal na gamutan. Aabot ng P3,000 bawat dialysis at P36,000 kada buwan ang gastos
5. Sa National Kidney Institute, 200 pasyente ang naghihintay ng kidney transplant. Ang kidney transplant ay nagkakahalaga ng P1.5 million para sa pribadong pasyente at P500,000 sa charity case.
6. Huwag araw-arawin ang pag-inom ng pain relievers dahil ito’y makasisira ng kidneys.
7. Umiwas sa mga maaalat na pagkain at sawsawan, dahil nakasasama ito sa kidneys. Bawasan ang pagkain ng toyo, patis, bagoong, alamang at tuyo.
8. Iwasan din ang pagkain ng junk foods at sitsirya na maraming vetsin.
9. Kung mahilig sa instant noodles, bawasan ang alat (seasoning) na inilalagay dito. Kalahati lang ang ilagay para hindi mahirapan ang ating kidneys.
10. Tandaan, uminom ng walo hanggang 12 basong tubig sa maghapon para manatiling malinis ang ating katawan. Kapag healthy pa, tubig ang gusto ng ating kidneys.
Marami ang may impeksyon sa ihi o Urinary Tract Infection (UTI). Narito ang ilang kaalaman sa UTI.
1. Ang simpleng UTI ay puwedeng umakyat sa kidneys at makasira nito. Puwede itong magdulot ng kidney failure na mangangailangan ng dialysis.
2. Mas madalas magkaroon ng UTI ang kababaihan dahil maiksi ang daanan ng ihi nila, hindi katulad ng mga kalalakihan.
3. Uminom ng dalawang basong tubig kada apat na oras para sa healthy kidneys. Mga walo hanggang 12 baso kada araw. Pero huwag din lalampas sa 16 na baso sa isang araw.
4. Ang tinatawag na Honeymoon Cystitis ay ang pagkakaroon ng impeksiyon sa ihi na nangyayari pagkatapos ng unang pagtatalik.
5. Pagkatapos magtalik, piliting umihi at maglinis din ng puwerta para hindi magkaroon ng impeksiyon.
6. Isa sa apat na mag-aaral sa public school ay may problema sa pag-ihi o may impeksyon sa ihi.