Beauty pageants sa gitna ng pandemya—dapat pa nga ba?
Nakatutuwang kakuwentuhan ang napakaganda pa ring si Ms. Gloria Diaz na nag-guest kamakailan sa aming “Pamilya Talk” episode. Sabi ng kauna-unahang Miss Universe ng bansa, gusto sana raw niyang itago na siya’y 70 years old na nang siya’y nag-birthday noong April 7. Kaya lang, alam naman daw ng lahat na 18 years old lang siya nang napanalunan niya ang Ms. Universe noong 1969.
“I want to hide sana na I’m 70, but when (people) say that ‘In 1969, an 18 year-old girl (won Miss Universe)’— paano na yun eh ang dali-dali nang i-(Math) yan?” biro niya.
Tila naging time machine nga ang aming programa sa pagbabalik-tanaw ni Gloria ng kanyang Miss Universe experience. Tamang-tama ito dahil tulad nang nanalo si Gloria noong 1969, gaganapin din ang Miss Universe 2021 ngayong May 21 (US time) sa Hollywood, Florida.
Kwento ni Gloria, di nga raw niya naisip na makakarating sya sa Estados Unidos dahil sa kumpetisyon. “(My parents) didn’t even know if I had money in my pocket or what. Wala nga akong dalang pera papunta, eh!” Maging mismong mga magulang daw niya ay nagulat sa pagkakapanalo nya. “They were more surprised than me na nanalo ako. They weren’t the type who knew beauty contests. They didn’t watch me — even on TV! Kasi noon, di naman uso masyado, eh.”
July 19, 1969 (July 20 in the Philippines), sa Miami, Florida, nang kinoronahan bilang kauna-unahang Pilipinang Miss Universe si Ms. Gloria Diaz (Source: Ricky Lo, The Philippine Star)
Mahigit limampung taon na rin ang nakalipas mula nang koronahan si Gloria. Sunod niyang pinasok ang showbiz at tuluyan nang naging aktres sa pelikula at telebisyon. Noong 2019, lumabas pa nga siya sa teleseryeng Insatiable ng Netflix. Ang kanyang naging role: walang iba kung hindi isang glamorosang beauty queen!
“More positive than negative” daw ang naging hatid ng Miss U experience sa buhay ni Miss Gloria. Ngunit sa panahong gaya ngayon na may pandemya, ang tanong ng marami: Mahalaga pa rin ba ang beauty pageants?
“Ibang klase ang labanan ngayon, di ba? It’s a new age,” sabi ni Gloria ukol sa antas ng kumpetisyon ngayon sa mga pageant na gaya ng Miss Universe.
Dahil kay Gloria at sa mga sumunod pang title-holders -- Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2016) at Catriona Gray (2018) -- sikat na sikat ang Miss U dito sa bansa. Kaya lalong tumindi ang pressure sa mga nagiging kandidata natin sa kumpetisyon.
Ngunit dahil sa pandemya, huminto nang matagal ang larangan ng entertainment — kasama na rito ang movies, concerts at pageants. Mismong ang Miss Universe ay isa’t kalahating taong na-postpone, matapos koronahan si Zozibini Tunzi ng South Africa noon pang December 2019.
Para sa kauna-unahang Miss Universe na idaraos matapos pumutok ang COVID-19, masasabi ba natin na may kabuluhang muli ang mga pageant?
Maging si Gloria ay nahirapan sagutin ito. Pero sa huli, paliwanag nya, “Sabi nga nila, beauty has its own excuse for being. There’s always a time to admire things. It’s the same as when you go to my garden and see my (plants and flowers). Or, if you see a nice picture of whatever—a dress or something.”
Pageants at pulitika
Ganumpaman, naniniwala si Gloria na kahit sa gitna ng krisis, nagiging plataporma naman ang events na gaya ng Miss Universe upang mapag-usapan ang mga bagay na kailangang pagtuunan ng pansin. Kaya naman bilib ang beterana sa ating kandidata ngayong taon na si Rabiya Mateo na isa ring Ambassador for Education at kasapi ng Infant and Pediatric Nutrition Association of the Philippines - Ethics Committee.
Marami ang nakakapansin na ang dalawampu’t apat na taong gulang na si Rabiya ay outspoken sa kanyang mga pananaw.
Noong Pebrero, nagsalita ang Ilongga laban sa komento ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi “emotionally fit” ang mga kababaihan sa pamumuno ng bansa.
“In our country, we already had two female leaders and by doing that, women are as capable as men in handling a nation,” sabi ni Rabiya sa pageant site na Missosology. “I just want to give an example of what happened in New Zealand in conquering (the) COVID virus in which their female leader was able to nurse a newborn, but at the same time, she was able to become a mother to her land… I won’t agree with something like this because I know my capabilities and my strength as a woman and I know I can make a difference, so much difference.”
Kamakailan naman, humingi ng tawad si Rabiya kay Miss U contender Nova Stevens ng Canada sa ngalan ng bansa, matapos itong makatanggap ng masasakit na mga salita mula sa mga Pilipino online dahil sa kulay ng kanyang balat.
“It takes no time to be kind. I learned in this industry that people tend to be cruel. We should not normalize that aspect. When you see something is not right, you correct it. You have the power to do so. People are listening to you. That's why, I think this is also the best way for me to shine kindness and the spirit of being humble. So regardless of what type of competition we are in, I hope that Filipinos will still be able to be respectful,” sabi ng beauty queen sa isang virtual press conference.
Kapuri-puri ang pagiging “vocal” ni Rabiya, sabi ni Gloria.
“Maybe she feels strongly about it. Sa akin, okay lang yun. You have to have some kind of opinion. You cannot be playing namamangka sa dalawang ilog,” dagdag pa niya.
Beauty pageants sa digital world
Kamakailan naman, inilunsad ng proudly Pinoy streaming app na Kumu ang kauna-unahan nitong Miss Kumu Global Pageant. Idinaos ang Miss Kumu Global Pageant para sa mga kababaihang “inspiring, talented, and willing to give back.” Kakaiba ito dahil sa online platform ginawa ang buong pageant, kasama na ang mentoring, question and answer, at iba pang performances. Alam nyo bang “height doesn’t matter” sa beauty contest na ito?
Mafae Yunon-Belasco sa Miss World 2003
Kasabay ni Gloria, inimbitahan ko rin sa aking programa si Miss World 2003 Top 5 finisher Mafae Yunon-Belasco na siya ring organizer ng Miss Kumu Global Pageant. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga ito lalo na sa may mga pinaglalabang paniniwala.
“The pageant platform is truly an amazing one. If you only know the value and the power that pageants have… The crown and the sash allows you to network — because your network becomes your net worth,” sabi ni Mafae.
Payo pa niya sa mga kababaihan na gustong maging beauty queen, “If you want to join a pageant, look at it as a leveling up — your career, yourself, what you want to do, your advocacy and passion. It’s always about giving back. If you’re all about good karma, respecting your work and respecting yourself, the Lord and the universe will bless you tenfold.”
--------------
Please watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube and Kumu (@JingCastaneda – 6pm Monday & Wednesday; 7 p.m. Tuesday). Please share your stories or suggest topics at [email protected]. You can also follow and send your comments via my social media accounts: Instagram, Facebook, YouTube, Twitter and Kumu.
- Latest