^

PSN Opinyon

Sinas, humirit nang todo suporta kay Eleazar!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Happy birthday Gen. Debold Sinas Sir!

Ang 200,000-strong rank and file ng Philippine National Police ay hinikayat ni retiring PNP chief Sinas na bigyan ng todong suporta ang kanyang kaklase na si incoming PNP chief Gen. Guillermo Eleazar. Kung 100 percent ang suportang ibinigay sa kanya ng mga pulis sa kanyang anim na buwan sa trono ng PNP, dapat ganun din ang ibibigay nila kay Eleazar, ani Sinas.

“Every Chief PNP appointed to the post carries with him the full trust and confidence of the President of the Republic of the Philippines, therefore, he (Eleazar) deserves the unqualified support of all the officers and personnel under his command,” ang dagdag pa ni Sinas.

Pormal na nai-turnover ni Sinas ang trono ng PNP kay Eleazar sa isang simpleng seremonya kahapon sa Camp Crame. Si Sinas ay magreretiro sa araw na ito sa kanyang 56th birthday! Dipugaaaaa!

Iginiit ni Sinas na nagdeliber sila ni Eleazar, na kanyang Deputy for Administration, sa kanilang ipinangako kay President Digong at sa sambayanang Pilipino bago siya iluklok sa trono ng PNP. Aniya, ang hanay ng PNP, mula sa opisyales nito hanggang sa mga beat patrollers sa kalye ay sumuporta sa liderato niya sa loob ng anim na buwan.

“It has been probably the longest six months tour of duty we have served together to accomplish our mission for the Filipino people,” ani Sinas patungkol kay Eleazar­. Ang hiling lang ni Sinas ay ipagpatuloy ni Eleazar, ang sini­mulan niyang mga proyekto, tulad ng “Chubby Anony­mous”, para isulong pa ang PNP institutional programs programs and policies.

Sina Sinas at Eleazar, at Lt. General’s Joselito de Vera at Israel Ephraim Dickson, ang DCO at TDCS ng PNP, ay miyembro ng PMA “Hinirang” Class of ‘87. Di­pu­gaaaaa! May pag-asa pa kaya na maging kapalit ni Eleazar sina de Vera at Dickson na magreretiro na sa darating na Marso? Malay mo, di ba mga kosa?

Si Eleazar, na tubong Tagkawayan, Quezon, ay Top 4 ng kanyang klase. Halos lahat ng puwesto ay dinaanan niya, at sa mga nakaraang taon ay director ng Quezon City Police District; Calabarzon police at National Capital Region Police Office. Si Eleazar din ang unang hepe ng Joint Task Force Anti-Covid Shield at nitong huli ay ng ASCOTF kung saan pinangalagaan niya ang kalusugan ng mga police frontliners. Dipugaaaaa!

Abangan!

vuukle comment

SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with