^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bakunahan ang mamamayan para umusad ang ekonomiya

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bakunahan ang mamamayan para umusad ang ekonomiya

Sabi ng Department of Health (DOH) unti-unti na raw bumababa ang kaso ng COVID-19. Nababawasan na rin daw ang mga naghihintay na pasyente sa mga ospital. Lumuluwag na rin daw ang emergency room at intensive care unit (ICU).

Magandang balita ‘yan at sana, tuluy-tuloy na ang pagkonti ng COVID cases. Ganunman, kahit buma­baba na ang kaso, hindi ibig sabihin nito ay dapat nang maging kampante ang pamahalaan. Dapat ipagpatuloy ang paghihigpit sa pagpapatupad ng health protocols. Naka-extend hanggang Mayo 15 ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at apat pang lalawigan. Wala pang inaanunsiyo ang pamahalaan kung ano ang status pagkaraan ng Mayo 15.

Ang mga eksperto ang nararapat sangguniin sa bagay na ito. Una nang sinabi ng OCTA Research Group na maaaring tumaas ang kaso kung magluluwag sa community quarantine. May nagsabi na baka matulad sa India ang Pilipinas kapag nagluwag. Sa kasalukuyan, marami ang namamatay sa India dahil sa second wave ng virus. Siksikan ang mga pas­yente sa ospital doon at nakapila ang mga bang­kay para sa cremation.

Kung patuloy ang pagtaas ng kaso, walang ibang paraan kundi i-extend ang MECQ sa Metro Manila at iba pang lugar. Isa rin sa dapat pagsikapan ng pama­halaan ay mabakunahan ang 60 percent ng mamamayan para maabot ang herd community. Kapag naabot ito, dito pa lamang magsisimulang bumangon ang ekonomiya ng bansa. Ang bakuna lang talaga ang magiging susi para sumigla ang ekonomiya.

Sa kasalukuyan, kaunting porsiyento pa lamang ng mamamayan ang nababakunahan. Hindi pa tapos bakunahan ang health workers at senior citizens. Problema ang supply ng bakuna dahil patak-patak ang dating.

Kung mayroon sanang sapat na bakuna, maaring maaabot na ang tamang porsiyento para sa herd com­munity. Marami na rin kasi sa mamamayan ang payag magpabakuna hindi katulad noong una. Pinakamagandang magagawa ng pamahalaan ay sikaping ma­bakunahan ang karamihan ng mamamayan. Ito ang susi para makabangon ang hilahod na ekonomiya ng bansa. Kapag nabakunahan na, balik na sa dati ang buhay.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with