^

PSN Opinyon

'Anyare?' ng Philstar.com hihimayin napapanahong balita sa bagong show

Philstar.com
'Anyare?' ng Philstar.com hihimayin napapanahong balita sa bagong show
Sisikapin ng "Anyare?" na mailapit ang mga nagbabaga't "hebigat" na isyu sa pinakasimple't kwelang paraan, sa tulong na rin ng komentaryo ng mga dalubhasa't mamamahayag. At oo, nasa wikang Tagalog 'to.
Philstar.com

MANILA, Philippines — Sa panahon ng sunud-sunod ang breaking news at naglilipanang maling impormasyon, madaling malunod sa agos ng balita't hindi ito maintindihan.

Nababaon ng ganitong siste ang mga kaalamang gagabay sana sa mga Pinoy habang viral naman ang kasinungalingan at makaisang-panig na press releases.

Para matulungan ang aming mga tagasunod, may bagong alok na programa ang Philstar.com simula bukas, ika-4 ng Mayo, para himayin ang pinakamaiinit na isyu sa loob lang ng iilang minuto. At oo, nasa wikang Tagalog 'to.

Sisikapin ng "Anyare?" na mailapit ang mga nagbabaga't "hebigat" na isyu sa pinakasimple't kwelang paraan, sa tulong na rin ng komentaryo ng mga dalubhasa't mamamahayag. Ayos, 'di ba?

Babaybayin sa unang episode bukas ang importansya ng West Philippine Sea sa karaniwang Juan at Maria — kung paanong maigiit nang walang gera ang 2016 arbitral award ng Pilipinas laban sa Tsina.

Interesado? Abangan ang "Anyare?" sa Youtube at Facebook pages ng Philstar.com simula ngayong Martes.

ANYARE

PHILSTAR.COM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with