^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Imbestigahan, mga reklamo sa ayuda

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Imbestigahan, mga reklamo sa ayuda

Tuwing magbibigay ng ayuda, maraming nag­re­reklamo. Walang ipinagkaiba sa nangyari noong nakaraang taon na bumaha ang reklamo dahil sa magulo at masalimuot na pamamahagi ng ayuda. Ngayong ECQ ayuda, maraming reklamo ang ipinaabot sa Department of Interior and Local Government at tila mas matindi pa.

Kung tutuusin, hindi na dapat maulit ang mga nangyari noong nakaraang taon pero ngayon, may mga reklamo sa kabila na ipinag-utos ni Presidente Duterte na ayusin ang pamamahagi. Marahil, nagsasawa na rin si Duterte na makarinig ng reklamo sa mamamayan lalo pa nga kung tungkol sa pangu­ngupit ng ayuda na kadalasang ginagawa ng mga barangay officials.

Patuloy ang pagdagsa ng reklamo sa DILG at ilan dito ay ang sinasabi ng benipisyaryo na wala umano sila sa listahan ng mga tatanggap ng P1,000 ayuda. Bakit daw nagkaganoon e tumanggap sila noong nakaraang taon? Bakit daw nawala siya sa listahan?

Sa isang report, nirereklamo ng ilang benipis­yaryo na bakit ang natanggap nila ay isang pack ng grocery items na nang kuwentahin ay wala pang P1,000 ang halaga.

Isa sa mga nag-viral on line ay ang reklamo ng mga residente sa San Jose del Monte, Bulacan na may pinapipirmahang waiver ang local government unit (LGU) sa mga tumanggap ng P1,000 ayuda. Nakasaad sa waiver na “pinagbabawal ang magreklamo sa ibinigay ng gobyerno”. Anong ibig sabihin nito? Bawal magreklamo dahil P1,000 lang ayuda?

Eto ang matindi, kabilang sa mga nakatanggap ng ayuda ay patay na noon pang Agosto 2020 at meron ding taga-Cainta na nakatanggap pero nagtatrabaho sa Qatar. Meron ding bata na nakalista at nakatanggap ng ayuda.

Sabi ni DILG Undersectretary Jonathan Malaya sa isang radio interview na iimbestigahan ang mga anomalyang ito. Nilinaw din niya na walang binibigay na food packs o grocery items ang national govern­ment sa benipisyaryo. Cash lang umano ang ipina­mamahaging ayuda.

Aksiyunan agad ang mga reklamo. Kilos DSWD! Tiyak marami na namang kumupit sa ayuda. Nang magsalita sa publiko si President Duterte kamaka­ilan, sinabi niyang imbestigahan agad ang napaulat na iregularidad. Marami raw siyang nabasa na nag­rereklamo sa ayuda.

Nararapat ang masusing imbestigasyon para ma­laman ang katotohanan sa palpak at maanomalya na namang pamamahagi ng ayuda. Wala nang takot ang mga magnanakaw.

ECQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with