Happy Easter, mahal kong #ProudMakatizens! Dala ng Pasko ng Pagkabuhay ang bagong pag-asa at mas malakas na pananampalataya sa Diyos. Higit natin itong kailangan sa panahong ito kung saan napakarami sa ating mga kababayan ang nagpopositibo sa COVID-19.
Napagpasyahan ng pamunuan ng Makati na higit na pabilisin ang roll-out ng mass vaccination kontra-COVID hindi lamang para sa medical frontliners at essential workers kundi pati na rin sa tinatawag nating ‘vulnerable sectors.” Kabilang dito ang mga senior citizen, maging mga adult na mayroong mga sakit o comorbidities tulad ng altapresyon, diabetes, at iba pang medical conditions.
Umaasa akong higit na marami pang Makatizen ang mababakunahan sa lalong madaling panahon. Hinihikayat ko kayong lahat na mag-register na para sa #BakunaMakati ngayon. Mag log-in lamang sa www.proudmakatizen.com at i-click ang COVID-19 vaccination form.
Sinu-sino nga ba ang maaaring magparehistro?
Frontliners ng Makati; mga rehistradong botante sa Makati; Makatizen Card holders; Seniors na may Makatizen Card, Blu Card, White Card, o Yellow Card; Seniors na residente ngunit hindi botante; mga residente na hindi botante; mga benepisyaryo ng 4Ps; registered owners ng real properties sa Makati; at mga hindi residente ngunit nagtatrabaho sa mga pribadong kompanya at negosyong rehistrado sa Makati.
Muli kong binibigyang-diin na sinusunod ng Makati ang mga panuntunan ng Department of Health ukol sa prayoridad na mga sektor na unang dapat makatanggap ng bakuna, ayon sa sumusunod:
A1 - Frontliners sa medical facilities (public at private) tulad ng health professionals, nursing aides, janitors, barangay health workers.
A2 - Mga senior citizen na may edad 60 pataas
A3 - Mga 18 to 59 years old na may comorbidities
A4 - Mga frontline personnel sa tinatawag nating essential sectors. Kasama dito ang mga pulis, bumbero, atbp.
A5 - Mga kabilang sa indigent population
B1 - Mga teacher at social worker
B2 - Iba pang mga kawani ng gobyerno
B3 - Iba pang essential workers
B4 - Ang natitirang high risk o vulnerable na mamamayan
B5 - Mga OFW
B6 - Mga manggagawa at empleyado ng pribadong sektor
C - Ang iba pang mga residente na hindi pa kabilang sa mga naunang kategorya.
Sa puntong ito ay hindi na kayang suportahan ng ating healthcare system at mga medical frontliners ang dami ng pasyente na dinadala sa mga ospital. Bilang Mayor ay nakikiusap ako sa lahat ng Makatizens na magpabakuna para sa inyong kaligtasan gayundin ng inyong mga mahal sa buhay.
Kung may mga katanungan tungkol sa bakuna, maaari po kayong tumawag sa 8870-1442 hanggang 44 at 8870-1447.
Aasahan ko po ang inyong suporta. Register na sa www.proudmakatizen.com.