^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mahabang curfew simula na ngayon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mahabang curfew simula na ngayon

Mas malubha pa ngayon ang pagdami ng kaso ng COVID kaysa noong nakaraang Agosto 2020, sabi ng OCTA Research Group. Ayon pa sa OCTA, patuloy pang darami ang kaso kung hindi magpapatupad ng paghihigpit sa mga pagtitipon o mass gatherings, pagpapatupad ng curfew, pagbabantay sa mga border at iba pang may kinalaman sa health protocols.

Ang Metro Manila ang may pinakamaraming kaso. “High risk’’ na. Umaabot sa 1,500 hanggang 2,000 kada araw ang nagkaka-infection. Dahil sa nangyayaring ito, nagpasya ang Metro Manila mayors na magpatupad ng mahabang curfew para masawata ang pagdami ng kaso ng COVID. Ngayong araw ang simula ng curfew na mag-uumpisa ng 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. Tatagal ng dalawang linggo ang curfew.

Sabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos napagkasunduan ang pagpapatupad ng curfew dahil sa tumataas na kaso ng COVID sa Metro Manila at sa payo na rin ng Department of Health (DOH) at ng OCTA Research Group. Ayon kay Abalos, papayagan namang makalabas ng bahay ang mga essential workers tulad ng mga nagtatrabaho sa restaurant o food delivery services. Kailangan lang na magpresenta ng identification card at certificate mula sa pinagtatrabahuhang establishment.

Nararapat ipatupad ang curfew sa Metro Manila para masawata ang mga pasaway na sa disoras ng gabi ay nasa kalye pa at naglilimayon. Dapat ding masawata ang mga nag-iinuman sa kalye na inaabot ng madaling araw. Marami ring nagka-karaoke at ‘yung mga nagtitipun-tipon na hindi na sinusunod ang health protocol. Maraming walang face mask at face shield.

Sana hindi maging ningas kugon ang pagpapatupad ng curfew. Sampolan ang mga lumalabag lalo na ang mga kabataan na sobra nang pasaway at nagmistulang mga hayop na nakatakas sa kural. Kung maaari, ipagbawal din muna ang alak sa mga lugar na mataas ang COVID cases.

OCTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with