^

PSN Opinyon

Ginahasa ng kapitbahay

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

Todo tanggi si Matt sa ginawa kay Clara at ang palusot ay ginusto rin ng babae ang nangyari sa kanila dahil dati na silang magkalaguyo. Kinampihan din siya ng asawang si Issa na tumestigo na noong madaling araw na ginahasa si Clara ay nasa tabi niya si Rommel at natutulog. Pati si Rommel ay nagsabing magkarelasyon sina Clara at Matt.

Hindi naniwala ang mababang hukuman at hinatulan­ ng reclusion perpetua si Matt sa ginawa kay Clara. Pareho ang naging hatol ng SC sa kabila ng depensa ni Matt na: (a) nagkamali ang mababang hukuman sa pagbibigay importansiya sa testimonya ng mga testigo ng prosekusyon; (b) sa paghatol nito na mayroong nangyari sa kanila ni Clara kahit walang testigong nagpatunay sa paratang ni Clara na ginahasa niya ang babae; at (c) ang hatol ng korte na walang pasubaling ginawa niya ang krimen.

Ayon sa SC, kapag sinabi ng isang babae na ginahasa siya, gagawin niya ang lahat ng kinakailangan para patunayan na pinagsamantalahan siya. Kaya kahit na walang ibang testigo na magpapatunay sa kanyang sinasabi ay sapat na ito para mapaniwala ang korte at mahatulan ang maysala. Basta, kapani-paniwala, posi­tibong naituro ang akusado at katanggap-tanggap sa korte na totoong ginawa ng akusado ang krimen.

Sa kasong ito, ang mga detalyeng kinuwento ni Clara kung paano binaboy ni Matt ang kanyang pagkababae, kailan at saan ito nangyari ay sapat para makumbinsi ang korte na naganap ang krimen. Ang aktuwasyon ni Clara pati ang pagpayag niya para isalaysay sa harap ng hukuman ang mga detalye kung paano nangyari ang insidente ng rape ay sapat para kumbinsihin ang korte na hindi niya inimbento ang nangyari at talagang ginahasa ni Matt ang biktima. Isa pa, ang doktor na sumuri kay Clara ang nagpatunay na may nakuhang bakas ng semilya sa babae.

Hindi rin ang testimonya ni Clara ang naging tanging basehan sa paghatol kay Matt. Ang mga testimonya ng ibang testigo tulad nina Nessy at Jayson kahit pa sabihin na “circumstantial evidence” lang o base sa haka-haka ay nakadagdag para ituro na si Matt nga ang gumawa ng krimen.  Hindi humina ang ebidensiya ng prosekus­yon porke lang kadugo ni Clara ang mga testigo. Sa liit ng isla, magkakamag-anak silang lahat. Pati nga ang mga testigo ni Matt ay puro kaanak niya.

Hindi naman kapani-paniwala ang sinasabing bawal na relasyon nina Clara at Matt. Ang kinikilos ni Clara matapos ang krimen ay nagpapahiwatig nang matinding pagnanais na makahingi ng hustisya. Hinayaan niya ang korte na magpasya sa ginawa sa kanya. Idagdag pa na kung talagang dati na silang may relasyon ni Matt, bakit pa nagsampa ng kasong robbery si Clara laban sa kanya. Binasag din ni Matt ang pader ng bahay para makapasok kaya kontra ito sa kanyang pahayag na kala­guyo siya ni Clara (People vs. Bondoy, G.R. 79089, May 18, 1993).

KAPITBAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with