^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bakuna muna bago MGCQ

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bakuna muna bago MGCQ

Tama ang desisyon ni President Duterte na kapag mayroon nang bakuna saka isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa. Delikado talaga kapag nag-MGCQ at wala pang bakuna. Tiyak na tataas ang kaso ng COVID at maaaring bumalik sa mahirap na sitwasyon. Lalong maghihirap sapagkat magla-lockdodwn.

Kapag nag-MGCQ, marami na ang bubuksang establishment na dati ay hindi pinapayagan. Tiyak papayagan na rin ang motor-taxi o ang Angkas. At puwede na ring mag-angkas sa traysikel na dati ay isang pasahero lang ang pinapayagan.

Mabuti at hindi sumunod ang Presidente sa kahi­lingan ng IATF at maski ng ilang mayor sa Metro na isailalim sa MGCQ para raw makagalaw ang eko­nomiya. Sino ba ang ayaw umangat ang subsob na ekonomiya pero dapat huwag magmadali. Hinay-hinay lang at hintayin muna ang bakuna.

Dapat namang tiyakin ng Malacañang kung kailan nga ba darating ang bakuna na unang inihayag ng Malacañang na Pebrero 15. Sabi uli ng Malacañang, Pebrero 23 daw darating pero hindi na naman natupad. Maski si President Duterte ay inip na inip na sa pagdating ng bakuna. Kailan daw ba talaga darating? Nag-sorry naman si vaccine czar Carlito Galvez sa pagkaatrasado ng bakuna.

Ang inilalatag ng IATF at Metro mayors na MGCQ sa Metro Manila ay nagdulot ng agam-agam na baka muling lumobo ang kaso ng COVID. Sabi ng OCTA Research Group, posibleng tumaas ang kaso kapag nagkaroon ng pagluluwag sa Metro. Sinabi rin ng OCTA na tumaas ang kaso matapos ang Chinese New Year at Valentines Day. Kabilang sa mga lungsod na tumaas ang kaso ay ang Maynila, Malabon, Navotas at Marikina. Naka-lockdown ang 34 na barangays sa Pasay dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID.

Hindi pa nga isinasailalim sa MGCQ ang Metro, nakitaan na agad ng pagtaas ng kaso at paano na kung magluwag na nga – baka lalo pang sumipa. Ngayon pa nga lang marami nang bata ang naglalaro sa kalye. Parang mga pinakawalan mula sa kural. Kapansin-pansin din ang mga kalalakihang nag-iinuman sa kalye at mayroong mga nagka-karaoke. Marami na rin ang hindi nagsusuot ng face masks at face shield at dikit-dikit na sa paglalakad.

Mabuti at nagpasya si President Duterte na hangga’t walang bakuna, walang MGCQ at wala ring face-to-face classes. Ito naman ang nararapat.

MGCQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with