^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Plastic straw at stirrer, ipagbabawal na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Plastic straw at stirrer, ipagbabawal na

Kasama na sa ipagbabawal gamitin ang plastic­ straw at stirrer. Ang straw ay ginagamit sa softdrink at juices samantalang ang stirrer ay panghalo sa kape. Inaprubahan noong Martes ang pagbabawal sa mga ito pero sa isang taon pa magkakabisa ang phaseout. Pumasok sa kategoryang single use plastic ang straws at stirrer.

Sabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda, isang taon ang binigay na phaseout period sa mga kompanyang gumagawa ng plastic straws at stirrer para ang mga natitirang stocks ay mai-dispose at saka titigil sa kanilang production. at lumipat po ng ibang produkto naman,” ani Antiporda. Ayon pa kay Antiporda, pagkalipas ng isang taon at may mahuling gumagamit pa nito ay pagmumultahin na. Hindi nilinaw ni Antiporda kung sino ang pagmumultahin – ‘yung consumer ba o ‘yung manufacturer ng straw at stirrer.

Magandang hakbang ito na dapat noon pa ipi­natupad sapagkat grabe na ang problema sa plastic na basura. Nagbabala ang environment group na kapag hindi pa itinigil ang paggamit ng plastic, malulunod ang tao sa rami nito sa darating na panahon. Hindi lamang tao ang napipinsala sa pag­dami ng basurang plastic kundi ang iba pang lamandagat. Lahat nang basurang plastic na itinapon sa kanal, estero, at ilog ay humahantong sa dagat. Napagkakamalan ng mga balyena na pagkain ang plastic at kinakain dahilan para bumara sa bituka at mamatay.

Ang mga single-use plastic ang karaniwang dahilan nang pagbabara ng mga drainage sa Metro Manila at nagdudulot ng pagbaha. Hindi nabubulok ang mga plastic na ito tulad mga sachet ng shampoo, hair conditioner, 3-in-1 coffee, catsup, at marami pang iba. Ang mga ito ay karaniwang makikitang lulutang-lutang sa mga estero gaya sa Binondo at Quiapo.

Hindi maliit na problema ang pagdami ng mga plastic na basura. Kapag hindi ito nasolusyunan ngayon, ga-bundok na problema ang haharapin ng bansa. Makipagtulungan naman ang mama­mayan sa hindi paggamit ng single-use plastic. Puwede namang gumamit – halimbawa ng straw o stirrer na gawa sa kawayan na hindi makasisira sa kapaligiran.

PLASTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with