^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mataas na presyo ng bilihin sa MM

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mataas na presyo ng bilihin sa MM

HUMIHILING ang labor group na itaas ang minimum wage sa Metro Manila dahil sa walang­ tigil na pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Sa kasalukuyan, 537 ang minimum wage ng mga mang­­gagawa. Hindi na kasya ang halagang ito para ma­ibili ng mga pangunahing pangangaila­ngan sa araw-araw. Kulang na kulang at wala nang ihihigpit pa ng sinturon para mapagkasya ang P537. Bukod sa mataas na bilihin, nagbabayad pa ng upa sa bahay, bayad sa kuryente at tubig. Humihiling ang mga manggagawa na itaas sa P650 ang minimum wage para makahabol sila sa mataas na presyo ng bilihin.

Mula nang pumasok ang 2021, naramdaman na ng mga maliliit na consumers ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Hindi anila magandang pasalubong ito sa bagong taon sapagkat halos lahat ng mamamayan (partikular ang mga mahi­hirap) ay apektado ng pandemya. Marami ang na­­walan ng trabaho at sa kasalukuyan ay hindi malaman kung saan hahagilapin ang sunod na ibibili ng pagkain.

Unang naramdaman ang mataas na presyo ng karneng baboy na sa kasalukuyan ay P400 ang 1 kilo. Mataas din ang presyo ng karneng baka na ngayon ay P380-400 ang kilo. Tumaas din ang kilo ng manok na ngayon ay P380.

Pati mga gulay ay tumaas din. Ang talong ay P120 hanggang P180 ang kilo; sitaw, P80 ang kilo; petsay, P140-180 ang kilo; bawang, 100 ang kilo at ang siling labuyo, P800-1,000 ang kilo.

Sabi ng Department of Agriculture, ang kawalan­ daw ng matatag na suplay ang dahilan kaya ma­taas ang presyo ng karne at gulay. Kaya raw ma­taas ang presyo ng gulay ay dahil sa malamig na panahon. Wala namang sinabi ang DA kung bakit mataas ang presyo ng karne sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Kawawa naman ang kakarampot ang suweldo na pinagkakasya lamang para makaraos sa mag­hapon. Sana naman makagawa ng paraan ang pamahalaan para mapababa ang presyo ng mga bilihin para maabot ng mga kawawang consu­mers. Kung walang magagawang paraan, dapat na ngang itaas ang minimum wage. Maawa sa mga isang kahig, isang tuka.

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with