Very obvious and “kulay hunyango” na mga Leftists, lalo na ‘yung mga nakaluklok sa Mababang Kapulungan bilang Party-list Representatives. Kahit ano ay gagawin for convenience and survival.
Ako ay kabilang sa maraming nais na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN. Ngunit kung ang isang left-leaning Solon tulad ni Bayan muna Representative Carlos Zarate ang bobotong pabor sa pagkakaloob ng prangkisa sa ABS-CBN, kadudaduda iyan. Ang mga Leftist ay kalaban ng mga negosyanteng tinatawag nilang oligarchs. Pero bumotong pabor sa renewal ng prangkisa si Zarate. Sa magkanong dahilan kaya?
Kaya nga kinutya siya ni Pangulong Duterte. Anang Pangulo, “Alam mo, sasabihin ko, nangangailangan ka ng pera. That’s the only reason” para idepensa ang oligarch.
Wala nang credibility si Zarate at ang kanyang partido. Patuloy silang gumagamit ng black propaganda para manira ng kalaban tulad ng Meralco. Patuloy na tinutuligsa ng grupo ni Zarate ang isang supplier ng Meralco, habang hindi pinapansin ang isa pang supplier nito na sister company ng ABS-CBN na humirit sa ERC na magpatupad ng Feed-in Tarrif Allowance o FIT-ALL. Nanatiling tahimik ang Bayan Muna sa FIT-All, habang pilit na inihahambing ang Competitive Selection Process (CSP) ng Meralco sa isang sarzuela.
Ang FIT-ALL ay hindi dumaan sa bidding tulad ng CSP, kaya’t paano masasabing ang isang kumpanya ay karapat-dapat na mangolekta ng FIT-ALL? Inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon ng National Transmission Corp. (Transco) na mangulekta ng FIT-ALL na katumbas ng P0.0983 kada kilowatt-hour (kWh) na epektibo sa susunod na ikot ng pagsingil.
Taliwas sa mga isyung paulit-ulit nilang ibinabato sa Meralco at CSP, ang panibago at mataas na FIT-ALL ay ikakarga sa lahat ng konsyumer simula ngayong buwan. Huwag na tayong palinlang sa mga pahayag ng mga komunistang iyan.