Malungkot na balita ang dala ng Philippine Eagle Foundation (PEF).
Inanunsiyo nito na patay na nga si Pag-asa, ang first Philippine eagle bred and hatched in captivity sa Malagos Eagle Center, Calinan district dito sa Davao City noong Miyerkules, Enero 6.
The Philippine Eagle Foundation (PEF) is sad to announce the passing of beloved Philippine Eagle, Pag-asa.
Pag-asa succumbed to infections associated with trichomoniasis and aspergillosis. Both diseases are fatal for raptors.
Although treatment was done over a week ago, he continued to deteriorate and died at 8:03 p.m. on January 6.
Naging bahagi na rin si Pag-asa naming mga Dabawenyo, at isa na ako roon.
Naging parte na ako noong hatching ni Pag-asa hanggang sa mga sumunod na araw na nag-vigil kaming mga mamamahayag sa Malagos Eagle Center at binabantayan kung ano na ang nangyayari sa agila.
Hanggang sa lumaki na si Pag-asa at siya parati ang hinahanap ng mga bumibisita sa Malagos Eagle Center.
Nakatira si Pag-asa sa pinakamalaking dome sa aviary.
Ngunit sa kasamaang palad, isang ligaw na kalapati ang nakapasok sa dome ni Pag-asa.
Kinain ni Pag-asa ang kalapati.
Dahil sa kinaing kalapati, nagkaroon ng infection si Pag-asa na naging dahilan ng kamatayan nito.