Ligawan, sex, hiwalayan – virtual dahil pandemya

Sa Cordillera hanggang dekada-1940 ang ligawan ay may trial marriage. Sa iisang kubo, o “olog”, natutulog lahat ng dalagita matapos ang mga gawaing bahay. Sa ibang dorm o “atô”, ang mga binatilyo. Ine-enganyo sila ng matandang babaing lider ng tribo na magligawan nang patulâ, at kapag nagkaigi ay magsiping sa gabi. Walang obligas­yon, maliban kung mabuntis, dapat ikasal sila at magtayo ng sariling kubo. Inuulat ng matanda lahat sa mga magulang. Tinitiyak na bago mapag-iwanan ng panahon ay ma­ipagpares para makapangasawa lahat sila.

Sa mundo ngayong pandemya nagiging virtual ang ligawan, sex, pati breakup. Obligado ba ito para safe dis­tancing at quarantine? Ewan....

Sa Japan dati nang malaking negosyo ang pagpapares, o “amiai”. Sa bar hinihikayat ng matchmaker na mag­lan­dian ang sinet-up ng date. Ngayong safe distancing, drive-through na, o “doraibusur? o miai”, ulat ng 1843 Maga­­zine. Sa parking lot ng wedding chapel darating ang dalaga at binata sa kanya-kanyang kotse para magkakitaan. Ano’ng kasunod?

Online “pandating” ang sine o kain ng magkalayong digahan, dagdag ng 1843. Para sabay ang panonood nila ng TV movie, ginagamit ang Netflix Party app, o kaya sabay ang pindot ng “play”. Hiwalay na kakain at iinom sa saliw ng video-concerts ni pianist Brian Culbertson.

Kung naging romantiko sila, hindi lang lumang “sexting” o palitan ng mapang-akit na texts ang dadagsa. “Corona­lingus” na, o padala ng obra-maestrang megapixels ng mga ari nila. Mainam dito ang Snapshot messaging app: kusang nabubura pagkabasa. Walang eskandalo matapos ang magdamagang virtual sex, anang 1843.

“Zumping” ang digital na pag-”dump” o kalas sa siyota­ sa pamamagitan ng Zoom. Iimbitahan ang partner na mag-join sa video chat. Pagpindot ng asul na kuwadrado sa screen, tutunog ang matinis na boses ng robot nang «The End». «Cuomosexual» ang deboto, mapa-babae o lalaki, ni gwapo’t machong New York Gov. Andrew Cuomo.

Show comments