^

PSN Opinyon

Lagi ka bang nakakaramdam ng pagod? Alamin ang dahilan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Madalas ka bang makaranas ng para bang pagod palagi o sobrang pagkapagod? Maaring makaramdam ng pag-aalala sa ganitong kondisyon. Ang pagod ay puwede ring sintomas ng ibang mga sakit na kailangang gamutin.

Karaniwang dahilan ng pagod:

1. Ang mga gamot tulad ng gamot sa kirot (pain relievers), gamot sa ubo, sipon, pang-allergy ay maaaring dahilan.

2. Dehydration o kakulangan sa tubig.

3. Hindi maayos na pagkain o wala sa oras ang kain.

4. Kulang sa tulog.

5. Mainit na panahon.

Ngunit ang pagod ay maaaring sintomas din ng ibang sakit tulad ng:

1. Diabetes.

2. Cancer.

3. Anemia o mababang bilang ng red blood cell.

4. Low thyroid activity o mahina ang thyroid.

5. Malalang impeksiyon.

6. Alcoholic.

7. Sakit sa puso.

8. Rheumatoid arthritis.

9. Problema sa pagtulog tulad ng paghilik at sleep apnea.

10. Electrolyte imbalance o pagiging mataas o mababa ang potassium at sodium sa dugo.

Kung palaging pagod, subukan ang mga tip na ito:

1. Mag-ehersisyo sa umaga. Ang ehersisyo ay nagbi­bigay ng lakas.

2. Kung sobrang sa timbang, magdiyeta pero gawin nang dahan-dahan. Iwasan ang sobrang pagbawas sa pagkain dahil baka ka manghina.

3. Magkaroon ng sapat na tulog, Kung maaari ay 7 hanggang 8 oras na tulog na tuluy-tuloy.

4. Sundin and schedule ng pagtulog. Regular na matulog at gumising sa parehong oras araw-araw.

5. Bigyan ang sarili ng oras para mag-relax. Humingi ng tulong sa iba kung masyado nang marami ang trabaho.

6. Iorganisa ang pang-araw-araw na schedule. Unahin ang mas importante. Okay lang na hindi tapusin lahat.

7. Alamin ang mga bagay na nagdudulot ng stress. Bawasan o iwasan ito.

8. Paramihin ang sariwang hangin sa iyong bahay at trabaho. Ang sariwang hangin ay nagbibigay ng lakas.

9. Balansehin ang kakainin. Isama rito ang pagkain nang maraming prutas, gulay at whole grain. Kumain ng masustansyang almusal. Huwag magpalipas ng gutom.

10. Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakapagpapataas ng lebel ng pagod.

11. Uminom ng 8-10 basong tubig. Kung ang iyong ihi ay malinaw ang kulay, ibig sabihin ay sapat ang iniinom na tubig, ngunit kung sobrang dilaw kailangan mong uminom nang maraming tubig.

12. Tingnan ang mga gamot na iniinom. May mga gamot ang may side effect na nagdudulot ng fatigue.

SAKIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with