^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Department of OFWs binalewala na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Department of OFWs binalewala na

Sabi ni Sen. Franklin Drilon kamakalawa, huwag na raw munang pag-ukulan ng pansin ang batas na nagtatatag sa Department of OFWs at unahin muna ang pagbili ng bakuna at may kinalaman sa pandemya. Dapat daw maging prayoridad ng gobyerno ang pagbili ng bakuna at hindi ang kung anu-ano na lamang.

Sa sinabing ito ni Drilon para na rin niyang sinabi na walang naitutulong ang OFWs kaya huwag na munang ukulan ng pansin. Nalalaman kaya ng mabuting senador na ang mga OFWs ang sumagip sa ekonomiya ng bansa noong ‘90s. Kung hindi dahil sa remittance ng OFWs hindi makakabangon ang ekonomiya ng bansa.

Nararapat ngang sila ang unahin bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagsagip sa bagsak na ekono­miya. Dapat magkaroon ng Department of OFWs para sila mapangalagaan. Dahil walang sariling tanggapan ang OFWs, hindi nila malaman kung saan susuling kapag may kaguluhan sa bansang pinagtatrabahuhan­. Kapag may pandemya gaya nang nararanasan sa kasa­lukuyan, walang matakbuhan ang mga OFWs.

Matagal nang nakikiusap sa mga mambabatas si President Duterte na madaliin ang pagpapasa ng batas­ para sa overseas Filipino workers (OFWs). Noong Dis­yembre 2019, nakiusap sa mga mambabatas pero wala ni isa man ang kumikilos. Noong SONA niya noong Hulyo, muli niyang inulit ang pakiusap pero wala ring nangyayaring paggalaw sa mga mambabatas para ipasa ang Department of OFWs. Ang pagtatatag ng DOFWs ay ipinangako ni Duterte noong 2016 Presidential campaign.

Sinabi pa ng Presidente na kung mayroong DOFWs, matututukan ang kalagayan ng migrant workers­ at ka­nilang mga pamilya. Lalo na aniya sa panahon ng krisis. Ayon sa Presidente, kung may tanggapan ang OFWs, mayroong matatakbuhan ang mga OFW at pamilya.

Kawawa ang kalagayan ng mga OFWs at dapat itong malaman ng mga mambabatas. Marami sa mga OFWs ang dumaranas ng pagkaapi, pang-aabuso at malagim na kamatayan sa kamay ng kanilang mga amo.

Halimbawa sa mga ito ay ang nangyari sa domestic helper na si Joanna Demafelis noong 2018. Natagpuan ang bangkay ni Demafelis sa loob ng freezer sa isang abandonadong bahay sa Kuwait. Pinatay siya ng kanyang mga among Lebanese. Noong 2019, dalawang domestic helpers pa ang pinatay sa Kuwait – sina Cons­tancia Dayag at Jeanelyn Villavende.

Kung may Department of OFWs, mayroon nang malalapitan at mapupuntahan ang mga kababayang ina­buso at minaltrato. Huwag maliitin ang kontribusyon­ ng OFWs sa bansa.

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with