^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mayors na sangkot sa illegal logging, dapat pangalanan!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mayors na sangkot sa illegal logging, dapat pangalanan!

Totoo ang inihayag ni DILG Secretary Eduardo­ Año kamakailan na may mga mayor na nasa likod ng illegal logging at mining. At magiging ma­katotohanan ang kanyang pahayag kung papangalanan niya ang mga ito. Kung hindi niya ihahayag, lalabas na hearsay lamang ito.

Noon pa, marami nang napabalitang mayor na sangkot sa illegal na pagpuputol ng mga punongkahoy at illegal­ na pagmimina. Mayroong mga mayor na hinaha­yaan ang illegal loggers na makapasok sa kanyang bayan sapagkat malaki ang naibigay nitong pera sa kanya noong nangangampanya. Bilang pagtanaw ng utang na loob, hinahayaan na lamang niya ang mga ito na pumasok at pumutol nang pumutol ng kahoy.

Hindi lang illegal loggers ang hinahayaan ng ilang mayor na makapasok sa kanyang bayan kundi pati na rin ang illegal na pagmimina. Malaki ang napapakinabang ng mga mayor sa dalawang aktibidad na ito. Limpak na pera ang napapasakamay niya. Dahil may basbas ng mayor ang pagmimina, walang patumangga kung butasin ang bundok. Kapag butas-butas na ang bundok, dito na magsisimula ang malagim na trahedya. Mawa­wasak ang bundok at iluluwa ang mga bato at sasagasaan ang mga bahay. Marami ang mamamatay dahil nalibing nang buhay.

Nahalukay na naman ang illegal logging at mining makaraang bumaha sa Marikina, Rizal at Cagayan, dala­wang linggo na ang nakararaan. Umapaw ang Marikina River at naranasan na naman ng mga tao ang nangyari noong manalasa ang Bagyong Ondoy noong 2009.

Umapaw rin ang Cagayan River kaya nalubog sa baha ang buong Cagayan. Nag-akyatan din sa bubong ng bahay ang mga residente.

Ang pagkaubos ng mga puno ang isa sa mga dahilan nang pagbaha sa Marikina, Rodriguez at Taytay, Rizal at sa Cagayan. Sabi ni Secretary Año, ipag-uutos niya ang pagkakaron ng checkpoint para mahuli ang iilegal loggers. Sasampahan ng paglabag sa PD 705 at RA 9175.

Hindi lamang pagbaha ang idinudulot ng illegal logging at mining, ito rin ang dahilan nang pagguho ng lupa. Wala nang kinakapitang ugat ang lupa kaya  nagkakaroon ng soil erosion. May mga bundok na nabibiyak dahil sa sobrang pagkakalbo makaraang putulin ang mga puno. Ganito ang nangyari sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte noong Pebrero 17, 2006 kung saan naguho ang bundok at tinabunan ang buong barangay. Mahigit 1,000 katao ang namatay.

Pangalanan ni Año ang mga mayor na sangkot sa illegal logging at mining. Dapat malaman ng taumbayan ang mga mayor na salot sa kalikasan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with