Ang kalyo ay matigas na layer ng balat na nabubuo para protektahan ang iyong balat sa pagkakakiskis at sa pressure.
Kadalasan ito makikita sa mga kamay at paa. Hindi naman ito nakasasama. Ngunit ang paggamot nito ay kinakailangan lamang kung nagdudulot ito ng hindi magandang pakiramdam sa iyo.
Tips para makaramdam ng ginhawa at makaiwas sa pagkakaroon ng kalyo:
1. Magsuot ng tamang sukat ng sapatos para hindi maipit ang mga daliri – Bumili ng sapatos na malambot ang suwelas. Piliin ang tamang sukat lamang, huwag maliit o malaki ang sapatos.
2. Magsuot ng medyas – Ito ay para hindi kumiskis ang balat sa sapatos.
3. Magsuot ng gloves – Kung mabigat o paulit-ulit ang gawain na ginagamitan ng kamay magsuot nito. Puwede rin lagyan ng padding ang mga bagay na gagamitin tulad ng basahan pang-cover dito.
4. Ibabad ang mga kamay at paa sa maligamgam na tubig – Ang tubig na maligamgam ay nakapagpapalambot ng makapal at matigas na kalyo.
5. Gumamit ng panghilod na bato – Sa tuwing matatapos maligo, kuskusin ang kalyo ng batong panghilod, o kaya naman ay telang pangkukos para unti-unti itong numipis. Hindi ito ine-rerekomendang gawin para sa may diyabetes.
6. Subukang gumamit ng corn dissolvers na mayroong salicylic acid – Ito ay plaster-pad o kaya naman ay solution. Maaari itong bilhin sa drug store.
7. Gumamit ng moisturizer – Maglagay ng moisturizing cream araw-araw sa iyong mga kamay at paa para mapanatili itong malambot.
8. Kung ang kalyo ay naging mas masakit o namamaga, kumunsulta sa iyong doktor.
Alipunga
Ang athlete’s foot o alipunga ay isang fungal infection na nabubuo sa pagitan ng mga daliri sa paa o iba pang bahagi ng paa. Ang fungi na ito ay katulad ng isang amag na tinatawag na dermatophytes na sanhi ng alipunga. Ang fungi ay nabubuhay sa labas ng iyong balat.
Paano maiiwasan ang alipunga:
1, Alagaan ang iyong paa – Sumubok ng mga over-the-counter anti-fungal creams o kaya naman mga drying powder. Ipahid ng 2-3 beses kada araw hanggang mawala ang mga rashes.
2. Panatilihing laging tuyo ang mga paa – Ito ay partikular sa iyong mga daliri at talampakan. Hayaan na nakakasingaw o nakapaa nang madalas lalo na kapag nasa bahay.
3. Magsuot ng open shoes o iyong nakakasingaw ang paa – Iwasang magsuot ng mga sapatos na iyong sobrang sarado.
4. Magpalit ng sapatos – Huwag gumamit ng paulit-ulit na sapatos. Mas mainam na magkaroon ng dalawang sapatos na papalit-palit. At huwag itong itago sa plastic o supot.
5. Huwag manghiram o magpahiram ng sapatos – Ang paghiram ng sapatos ay maaaring makahawa at kumalat ang fungal infection.
6. Magsuot ng medyas – Bumili ng medyas na gawa sa cotton upang maiwasan ang pamamawis ng iyong paa. Kung ang paa ay sobrang magpawis, magpalit ng medyas dalawang beses sa maghapon.
7. Magpatingin sa iyong doktor kung ang mga sintomas ay mas tumagal sa apat na linggo o lumala pa ito. Magpatingin agad kung mapansin ang sobrang pamumula, pamamaga o lagnat. At lalo na kung may sakit kang diabetes. Take care po.