^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mababawasan na ang mga jobless na Pinoys

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mababawasan na ang mga jobless na Pinoys

SA pagkakaalis ng travel ban sa healthcare workers­, mababawasan na ang mga nakatambay na Pinoys. Mabubunutan na ng tinik ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Halos walong buwan na nawalan ng trabaho ang mga nurses, medical tech­nologists, x-ray technicians, nursing aide at iba pa.

Si President Duterte mismo ang nag-utos na alisin ang travel ban sa lahat nang healthcare workers. Sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang lifting ng ban ay effective immediately. Noong Setyembre, ang pinayagan lamang makaalis ay workers na may working visa na Agosto 31, 2020.

Sa tuluyang pag-aalis ng ban, matutupad na ang pangarap ng health workers na mapabuti ang kanilang buhay na nasadlak sa kahirapan. Makakamtan na rin ang inaasam-asam nilang pagbabago sa buhay na sinalanta ng pandemya.

Mula nang ipatupad ang lockdown noong Marso dahil sa COVID-19, maraming overseas Filipino­ workers (OFWs) ang naapektuhan. Hindi sila ma­kaalis sapagkat ipinagbawal ng pamahalaan. Kahit may mga kontrata na sa foreign employer hindi sila pinayagan. Isa pa kanselado lahat ang mga flight. Maraming inabutan ng pagkapaso ng working visa. Naging problema rin sa bansang pinagtatrabahuhan­ sapagkat nagkaroon ng paghihigpit dahil sa pandemic­.

Kabilang nga sa mga naapektuhan ang mga health­­care workers, karamihan ay nurses na inabutan ng lock­­down. Marami sa kanila ay may mga kontrata nang pinirmahan, may working visa, plane ticket at lilipad na lang sana noong Abril pero dahil inabutan ng lockdown, hindi na nakaalis. At lalo pang nalagay sa ala­nganin nang ipagbawal na mismo ng pamahalaan ang pag-alis ng lahat ng health workers. Walang maka­aalis na nurses at iba pang hospital workers. Ang ban ay ipinatupad sa pamamagitan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

Ngayong maaari nang makaalis ng bansa ang health workers, mababawasan na ang mga walang trabaho sa kasalukuyan. Sa ibang bansa, may pag­kakataon ang health workers na kumita nang malaki. Kung dito nga naman sa Pilipinas, wala silang aasahan dahil maliit ang suweldo at benepisyo. Kawawa ang kanilang kalagayan sa mga ospital dito. Kung mabuti sana ang pasahod at benepisyo sa bansa, maaaring hindi na maghangad na mangibang bansa. Dito, agrabyado ang mga nurses sapagkat sobra-sobra­ sa oras ang trabaho pero karampot ang suweldo.

HEALTH WORKERS ALLIANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with