^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ayuda sa studes na inanod ang gadgets at modules

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ayuda sa studes na inanod ang gadgets at modules

MARAMING estudyante ang naapektuhan nang pagbaha dulot ng mga Bagyong Quinta, Rolly at Ulysses. Pininsala ng tatlong bagyo ang Bicol Region, Quezon, Mimaropa at Batangas. Dito sa Metro Manila, grabeng pininsala ng baha ang Marikina City, bayan ng Rodriguez at San Mateo sa Rizal nang umapaw ang Marikina River dahil sa Bagyong Ulysses.

Grabeng baha rin ang naranasan sa Cagayan at Isabela nang umapaw ang Cagayan River. Marami sa mga gamit ng estudyante ang hindi naisalba nang biglang bumaha. Kabilang sa mga nasirang gamit ay ang kanilang laptop, tablet, cell phone at modules.

Sa pagmamadali nilang makaakyat sa bubong para mailigtas ang sarili at ang pamilya, hindi na nila naalalang iligpit ang mga gadgets at modules. Nataranta sila sa biglang pagtaas ng tubig at wala silang magawa para maisalba ang mga gamit sapagkat inunang iligtas ang sarili.

Karamihan sa mga naapektuhang estudyante sa Marikina ay mga nakatira sa gilid ng Marikina River. Nakakadurog ng puso na malaman mula sa mga estudyante na bago sila nagkaroon ng gadgets na gagamitin sa pag-aaral ay pawis at dugo ang pinuhunan ng kanilang mga magulang para makabili ng gamit. Mayroong magulang na nangutang sa Bombay para makabili ng tablet. Hindi pa bayad ang tablet na tinangay ng baha.

Halos ganito rin ang nangyari sa mga estudyante sa Cagayan nang bumaha roon dahil sa Bagyong Ulysses. Nang abutin ng baha ang kanilang mga bahay, umakyat din sila sa bubong para makaligtas. Wala silang naisalbang gadgets o modules. Tinangay ng baha ang kanilang mga gamit at hindi nila alam kung paano magkakaroon muli ng mga ito para makahabol sa pag-aaral on-line.

Bago ang pananalasa ng Bagyong Ulysses, sinalanta rin ng mga Bagyong Quinta at Rolly ang Bicol Region, Quezon at Mimaropa. Binaha rin sila at marami sa mga gamit ng mga estudyante ay nabasa at hindi na mapakinabangan. Hindi rin nila naisalba ang mga gamit dahil sa biglang pagtaas ng tubig. Sa Guinobatan, Albay, putik at mga bato ang rumagasa sa mga bahay.

Nararapat namang tulungan ng mga may mabu-buting puso at nakaluluwag sa buhay ang mga estudyante upang magkaroon ng bagong gadgets. Hindi sila dapat pabayaan sa ganitong sitwasyon.

CALAMITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with