^

PSN Opinyon

Duterte mainit kontra katiwalian; appointees niya tila malamya (2)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Kinapon mismo ni Ombudsman Samuel Martires ang kampanya kontra korapsiyon. Hindi na puwede basta makuha ng press at publiko ang taunang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth ng opisyales. Dapat may pirmadong pagsang-ayon ang opisyal bago ito ibigay sa humiling. Matitigil na umano ang pag-weaponize sa SALNs ng mga karibal sa politika. Ititigil na rin ng Ombudsman ang lifestyle checks sa mga pinaghihinalaang kawatan. Hindi naman daw nakikita roon kung labis sa legal na kita ang pamumuhay ng salarin.

Pinuna ni ex-Ombudsman Conchita Carpio Morales ang dalawang kilos ni Martires. Binalewala umano ang prinsipyo sa Konstitusyon na “public office is a public trust”. Labag daw sa batas ang pagtago ng SALNs. Walang dahilang pinaboran ang mga politiko, batikos ng mga abogado. Nu’ng 1992 tinuya ni Comelec chairman Christian Monsod ang mga kandidatong nagpapa-exempt sa gun ban, “Kung ‘di ninyo matiis ang init, lumabas kayo sa kusina ng halalan.”

Marami nang nakalaboso sa tulong ng SALNs at lifestyle checks. Dinetalye rito sa Sapol nu’ng 2004 ang pagdakip sa mga estudyanteng anak ng Armed Forces comptroller-general na lumipad nang first class pa-America bitbit ang ‘di-dineklarang $100,000 cash. Nabatid sa SALNs na labis sa legal na kita niya ang dolyares, condo sa New York City, bahay sa Ohio, at P302-milyong deposito at ari-arian. Maaalala marahil ‘yon ni Martires. Isa siya sa tatlong mahistrado na umaproba sa kontrobersiyal na plea bargain ng heneral nu’ng 2010.

Bagama’t hirang ni Duterte, hiwalay si Ombudsman Martires sa Ehekutibo. Pero agad dinepensahan ng presidential legal counsel at ng spokesman ang mga gawa nito. Nakakabawas ito sa kumpiyansa ng mamamayan sa sinseridad ng administrasyon kontra korapsiyon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

CONCHITA CARPIO MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with