^

PSN Opinyon

Cagayan Valley

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BAKIT binaha nang husto ang Cagayan province? Ayon sa mga taga-roon, ito na ang pinakamasamang pagbabaha sa loob ng 40 taon. Malawak ang pinsalang dinulot ng pagbabaha. Marami ang hindi handa para sa ganitong uri ng delubyo. Pati ang mga lokal na pamahalaan sa Cagayan ay hindi rin handa kaya humihingi ng saklolo, maging sa pambansang pamahalaan o sa pribadong sektor. Karamihan sa naitalang 37 namatay sa paghagupit ng Bagyong Ulysses ay mula sa Cagayan.

 Ang unang sinisi ay ang pagpakawala ng tubig ng Magat Dam. Ang Magat ang nagsusuplay ng tubig para sa mga lupaing agrikultura sa lalawigan, at may kakayanang 360 megawatts ang hydroelectric plant nito kung kapusin ang pangangailangan ng Luzon. Dahil sa ulan na dala nI Ulysses, napilitang magpakawala ang Magat dahil mas peligroso kung pababayaang umapaw ito. Ganito ang lahat ng dam sa mundo. Hindi puwedeng pabayaang umapaw dahil baka gumuho ang dam. Kapag mangyari ito tiyak ang pinsala sa buhay at ari-arian.

Pero ayon sa tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hindi ang pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam ang dahilan ng malawak na pagbabaha kundi ang pag-apaw ng Cagayan River dahil din sa ulan na dulot ng bagyo. Nababad nang husto ang mga lupain sa Cagayan Valley kaya sa ilog dumiretso ang tubig-ulan. Ang Cagayan River ang pinakamahaba at pinakamalaking ilog sa Pilipinas pero dahil sa sunud-sunod na bagyo at halos isang buwang pag-uulan, hindi na kinayanan ng ilog kaya umapaw sa lupain.

 Malapit nang matapos ang 2020. Napakahirap ng pinagdaanan ng ating bansa, ng ating mamamayan. Nagsimula sa pagsabog ng bulkang Taal noong Enero, sinundan ng pandemya noong Marso at mukhang magtatapos sa mga bagyo. Sigurado ako na marami ang nais palipasin na ang taong ito. Sigurado ako marami ang nais magdiwang ng masayang kapaskuhan kahit papano. Pero dahil sa pandemya na hindi pa nawawala ay baka ibang kapaskuhan ang mararanasan natin. Huwag din nating kalimutan ang mga kapamilya nating nasalanta ng sunud-sunod na bagyo, ang iba ay hindi pa nakababangon ay tinamaan muli. Tulungan natin sila.

BAGYONG ULYSSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with