^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Mukhang pera’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - ‘Mukhang pera’

Ang Philippine Red Cross pa ngayon ang napa­paratangang “mukhang pera’’ makaraang mag-demand sila sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran sila sa utang nito na umaabot sa P1 bilyon. Napakasakit naman ng pang­yayaring ito na sila na nga ang inutangan ay sila pa ang lumalabas na kontrabida.

Dahil sa sobrang laki ng utang, ipinasya ng Red Cross na itigil ang pag-swab test sa mga dumarating na overseas Filipino workers (OFWs). Sabi ng Red Cross, kailangang bayaran muna ng PhilHealth ang pagkakautang.

Mariing sinabi ni Red Cross chairman at senator Richard Gordon, na kailangang bayaran sila nang buo ng PhilHealth dahil marami rin silang bayarin gaya ng suweldo ng mga medical technologists. Sinabi pa ni Gordon hindi profit-oriented organization ang Red Cross. Nakadepende lamang umano ang Red Cross sa pumapasok na pera mula sa gobyerno.

Nangako naman ang Red Cross na magbabayad noong nakaraang Oktubre 26 pero hindi nabayaran nang buo at sa halip, P500 million lamang binayaran, ganunman, pinagpatuloy ng Red Cross ang pag-swab test sa OFWs noong Oktubre 28. Noong nakaraang linggo, nagbayad uli ng karagdagang P200 million ang PhilHealth.

Sa meeting ni President Duterte noong Huwebes, kasama ang Cabinet officials, nasabi ng Presidente ang katagang “mukhang pera” habang nagre-report si Health Sec. Francisco Duque III ukol sa COVID-19 situation. Hindi naman na-offend si Gordon sa sinabi ng Presidente ganunman hindi raw deserve ang Red Cross na sabihan nang ganung pananalita. “Hindi kami mukhang pera’’ sabi ni Gordon.

Hindi dapat parunggitan ang Red Cross na muk­hang pera sapagkat ang hinihingi lamang nila ay bayaran sila. Karapatan nila iyon. Wala namang masama roon. Ang dapat sabihang mga mukhang pera ay ang mga corrupt na opisyal ng PhilHealth. Dahil sa kanila kaya nabaon sa utang ang tanggapan.

PHILHEALTH

PHILIPPINE RED CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with