^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magbibitiw dahil bigong mapigil ang korapsiyon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Magbibitiw dahil bigong mapigil ang korapsiyon

Ang talamak at ‘di mapigilang korapsiyon sa pamahalaan ang nag-udyok umano kay President Duterte para mag-offer na magbitiw na sa tungkulin. Ayon sa Presidente, wala na raw katapusan ang korapsiyon at imposible na itong mapahinto. Sa himig, sumusuko na ang Presidente para labanan ang katiwalian sa mga tanggapan ng gobyerno.

Marami ang nagulat sa sinabi ng Presidente na talagang wala nang magagawa o mahirap nang mapa­hinto ang korapsiyon. Nakapagtataka na ang isang matigas na lider ay mag-o-offer magbitiw sa puwesto dahil suko na siya sa paglaban sa korapsiyon. Sa halip na tigasan pa niya ang pagmumura laban sa mga tiwali, ang namutawi sa bibig niya ay magbibitiw na sa puwesto dahil imposible nang mapahinto.

Kontra rin ang mga sinabi niyang ito sa mga dati na niyang sinabi o pagbabanta noon laban sa mga korap. Noon sabi niya, kapag may naamoy siyang singaw ng korapsiyon sa isang tanggapan, sisibakin agad niya ang pinuno. Wala nang tanung-tanong pa. Kaya payo niya sa mga korap na taong gobyerno, mag­bitiw na lang kaysa ipahiya niya. Marami na siyang sinibak na tiwali na opisyal. Pinakamarami noong 2017 na basta may nalanghap siyang katiwalian, sini­sibak agad niya.

Kabaliktaran nga ang sinabi ng Presidente sapag­kat sa halip na ang mga korap ang magbitiw e siya itong nag-offer na magre-resign. Lumalambot na nga yata siya at nawawalan na ng pag-asa. Pero sabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman daw magbibitiw ang Presidente dahil sa kabi­guang masolusyunan ang korapsiyon. Sabi ni Roque magpapatuloy daw ang Presidente sa paglaban sa mga tiwali. Gagamitin daw nito ang nalalabing dalawang taon sa puwesto para malutas ang katiwalian sa gobyerno.

Hindi magandang pakinggan na ang isang Pre­sidente ay mag-o-offer na magbitiw dahil sa tingin niya ay wala nang lunas ang problema sa corruption. Mas gusto ng mamamayan na marinig sa kanya ang mga positibong pananaw na kayang igupo ang mga tiwali sa pamahalaan.

Tapangan ang pakikipaglaban sa mga manda­rambong para guminhawa ang bansang ito. Ipagpa­tuloy ang pagdurog sa mga ito at huwag bibitiw.

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with