May tensiyon sa Kongreso dahil sa isyu ng pork barrel at itong sinasabing “term-sharing’’ sa Speakership ngayong Oktubre. Ito ay kung ipapasa at rerespetuhin ni Speaker Cayetano.
Sa totoo lang, ito ang pangunahing dahilan kung bakit ilang buwan nang walang katiyakan sa Kongreso.
Mapapansin, ang nagbabangayang paksiyon ay parehong nasa ilalim ng administrasyon.
Kaya ayun, nagpipista ang mga trolls ng mga oposisyon o mga dilawan.
Ang kanilang panalangin, “sige maggibaan kayo!”
Eh naglabasan ang pag-aalburoto sa Kongreso na nauukol sa partehan ng mga pork barrel.
Paano nga ba naman, the power of the purse. Kapag ikaw ay nasa constituent mo, puwede mong ipagmalaki ang pondo mo.
Programa mo, aktibidades mo, proyekto mo. Ito ang determining factor, huhusgahan ka sa pork barrel ng mga constituent mo.
Bakit kamo, siyempre may mga katanungang anong ipinakita mo, anong nagawa mo at ano ang mga naging proyekto mo?
‘Yung mga kapiranggot lang, “God bless you na lang!”
Mag-aantabay tayo kung ano ang susunod na mangyayari sa tensiyong namamagitan sa Kongreso ng dalawang paksiyon.