^

PSN Opinyon

‘Bagong Lipunan’ pagbulok lang ng lumang kalakaran

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng Setyembre 21, 1972 nagdeklara si President Ferdi­nand Marcos ng “Bagong Lipunan”. Abusado raw ang umiiral na sistema. Inaagrabyado ng oligarkiya ang maralitang masa. Ipit ang reporma sa banggaan ng Ehekutibo at Kongreso, at ng administrasyon at oposisyon. At labis na raw ang katiwalian at krimen.

Ipinataw niya ang batas militar dahil balak umano ng mga rebeldeng komunista na sunugin ang Maynila. Ipina­kulong lahat ng mga kritiko sa pulitika, akademya, at simbahan. Ipinasara lahat ng media. Inagaw ang mga malala­king negosyo.

Nu’ng una natahimik ang mga komunidad dahil sa sindak. Dinampot kasi ng pulisya lahat ng may-tatak Oxo, Sigue-Sigue, Batang City Jail – mga labas-pasok sa preso.

Palamuti lang pala ang lahat. Kinalaunan lumitaw ang mga totoong pakana ni Marcos sa “Bagong Lipunan” sa pamamagitan ng batas militar.

Nagtatag siya ng iisang partido, Kilusang Bagong Lipunan, mga katoto sa pulitika. Sila ang naghari sa mga pro­binsiya, lungsod at munisipalidad. Ang mga inagaw na negosyo at media ay ibinalato sa kamag-anak at kalaro sa golf. Sila ang naging oligarkiya: pinapautang ng mga banko ng gobyerno sa atas ni Marcos; pinapartehan siya ng kickback; at kapag nagatasan at bagsak na ang kom­panya, mamamayan ang nagbabayad ng utang.

Direktang kumomisyon din sina Marcos at first lady Imelda Romualdez sa mga proyekto ng gobyerno. Dahil kara­mihan doon ay pinondohan ng utang panlabas, mamamayan din ang nagbayad ng nakaw na pera. Dinambong ng mag-asawa ang yaman ng bayan.

Sa huli, nabisto na ang “Bagong Lipunan” pala ay pagka­bulok lang ng lumang kalakaran. Lumala ang abuso, katiwalian, at karalitaan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

LIPUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with