^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Linisin muna sa basura ang Manila Bay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Linisin muna sa basura ang Manila Bay

Ang Manila Bay ang hantungan ng mga basurang­ itinatapon mula sa Maynila mismo, Cavite, Para­ñaque, Bataan at iba pang bayan at lungsod na nasa paligid nito. Kapag masama ang panahon o may malakas na bagyo, itutulak ng alon ang mga basura patungo sa dalampasigan. Isusuka ang mga ito hanggang sa Roxas Blvd. At ang resulta, trak-trak ng ba­sura ang hahakutin ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Asahan nang pagbagyo, isang malaking basurahan ang Manila Bay. At ngayon­, kahit na hindi bumagyo, lagi nang may basura sa Manila Bay.

Kamakalawa, nagsagawa ng clean-up drive ang MMDA at sandamukal na basura ang kanilang nakolekta at hinakot. Pawang mga plastic na basura na hindi nabubulok ang kanilang nakuha sa dalampasigan. Karaniwan na ang mga plastic shopping bags, cups ng noodles, sachet ng shampoo, 3-in-1 coffee, plastic na botelya ng softdrinks, sirang silya, kama, mga kahoy, tsinelas at marami pang basura.

Ang mga basurang ito ang iniaakyat ng alon sa Roxas Blvd. Napakasagwang tingnan na iniiwasan ng mga motorista. Asahan na kapag may bagyo, ang mga itinapong basura sa Manila Bay ay ibinabalik sa pinagmulan. Kung ano ang itinapon, iyon din ang iba­balik.

Pero sa kabila na maraming basura ang dapat linisin sa Manila Bay, mas pinrayoridad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paglalagay ng puting buhangin sa dalampasigan para sa beautification project. Ang proyekto ay nagka­ka­halaga ng P389 milyon.

Tone-toneladang buhangin na nanggaling pa sa Alcoy, Cebu ang tinambak sa dalampasigan. Ang puting buhangin ay mula sa giniling na dolemite. Ang dolemite ay isang uri ng bato na nakukuha sa kabundukan. Tinitibag ang bundok sa Alcoy at kinukuha ang bato at saka gigilingin.

Marami nang nakatambak na buhangin at sabi ng DENR tuloy ang proyekto kahit sinabi ng DOH na ma­panganib sa kalusugan ang giniling na dolemite. Ma­rami pa ang bumabatikos sa itinambak na buhangin.

Malamang na tangayin nang malakas na alon ang mga buhangin. Kung ang mga basura ay dinadala ng alon sa Roxas Blvd. kapag malakas ang bagyo, maaaring ganito rin ang mangyari sa ginastusang dolemite.

Kapag tinangay ang buhangin, sayang ang P389 milyon na galing sa buwis ng mamamayan. Sana nagpokus na lang muna ang DENR sa paglilinis ng basura. Pinaigting na lang nila ang kampanya sa mamamayan na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

MANILA BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with