^

PSN Opinyon

Gamboa, iniintriga pero lalong tumatag

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SA nalalapit na pagretiro ni Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa, kataka-taka na naglalabasan ang fake news sa social media laban sa kanya. Mukhang nag-aalatsamba ang mga intrigero na kung sakaling kagatin ni Pres. Rodrigo Duterte ang kanilang pain tiyak na panalo sila sa napupusuan nilang manok na hahalili sa puwesto nga ni Gamboa. Subalit hindi naman ito nakalusot at lalong tumatag si Gamboa.

Kasi nga ang mga larawang naglabasan e mga luma na pala at wala pa noon ang COVID-19 pandemic. Kaya sa halip na masira si Gamboa lalo lang tumatag sa pu­westo at napanatili ang tiwala ni Digong. Matunog na ma­tunog na oras na bumaba si Gamboa sa PNP ay may nakalaan na itong puwesto. Walang duda na sa National Bureau of Investigation nga siya mapupunta. Hindi po ito pabuya ni Digong. Ito’y nakasalalay sa kanyang tapat na serbisyo sa bayan na naging giya niya para makuha ang NBI.

Samantala, hindi rin nakalusot si National Capital Re­gion Police Office chief MGen. Debold Sinas sa mga intriga. Kasi noong mag-leave of absence si Sinas dahil sa pagka-confine sa hospital ay pinutakti na ito ng intriga. Para sa inyong mga kaalaman mga suki, si BGen. Nolasco Bathan ang DRDA ng NCRPO ay pansamantalang itinalaga habang si Sinas ay naka-leave. Hindi naman kasi robot si Sinas na hindi tablan ng sama ng katawan gayung halos buong oras siyang frontliner ng Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic. Malaki ang hinala ng mga suki ko na ginigiba si Sinas upang palusutin ang bata-bata ng ilang malalapit ni Digong.

Kung sabagay ilang buwan na rin lang ang nalalabi at lilisanin na rin ni Gamboa ang puwesto sa PNP at ang mga matunog na hahalili ay sina Lt. Gen. Guillermo Eleazar at MGen. Sinas. Parehong malaki ang inambag na kasipagan ng mga ito sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic kaya kung pag-uusapan na rin lang kung sino ang papalit kay Gamboa tiyak na ang dalawang heneral ang may karapatan. Di ba mga suki? Hindi lamang kasi show-up ang ginagawa ng mga ito di tulad ng ilan diyan na heneral na bulong nang bulong lang kay Digong ang inaatupag ngunit kulang naman sa gawa. Magpakita muna kayo ng legasiya sa imahe ng PNP at hindi puro paninira at ngawa lanag ang inyong inaatupag!

Samantala, kung trabahong pulis lang naman ang pag-uusapan mga suki, aba kahit na tahimik lang pala si Cebu Police Provincial Office Col. Roderick Dvilles Mariano ay humakot pala ito ng pitong awards noong Agosto 10, 2020 sa 119th Police Service Anniversary. Kinilala ang kanilang kabayanihan ngayong taon sa selebrasyon na may temang “Towards a Pandemic-Resilient PNP-Adopting Protective Protocols in the New Normal”. Hindi kasi matatawaran ang kasipagan ng buong tropa ni Col. Mariano matapos na lumobo ang mga nahawahan ng COVID-19 sa Cebu. Kaya ang kanilang pagpursigi na maibalik sa normal ang pamumuhay roon ng mga residente ay walang katumbas. Kaya bilang pagkilala sa kanilang serbisyo, ginawaran sila ng awards.

Si Col. Mariano ay itinanghal na Best Senior Commissioned Officer for Administration. Ang Cebu Police Provincial Office ay hinirang na Best Police Provincial Office sa lahat ng police region sa buong bansa. Habang ang City of Talisay Police Station at Tuburan Municipal Police Station ay nahirang na Best Component City Police Station at Best Municipal Police Station. Siyempre kabilang din sina  LtCol. Randy S. Korret bilang Best Junior Police Commissioned Officer for Operations, MSg. Douglas U. Maravillas for Best Senior Non-Commissioned Officer fro Operation at SMS Rowena A. Santillan for Best Senior Police Non-Commissioned Officer for administration.

Sa mga suki kong pulis, trabaho lang para sa taumbayan at siguradong may makakamtang karangalan.

ARCHIE GAMBOA

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with