^

PSN Opinyon

Mahiwagang pagkakatulad nina Lincoln at Kennedy

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang kumakalat ang kuwentong ito. Nakaka­pagtaka talaga:

Nahalal sa US Congress si Abraham Lincoln nu’ng 1846. Hinalal sa Congress si John F. Kennedy nu’ng 1946.

Nahalal na President si Abraham Lincoln nu’ng 1860. Hinalal na President si John F. Kennedy nu’ng 1960.

Pareho silang nag-adhika ng karapatang sibil. Parehong nakunan nu’ng buntis ang mga asawa nila habang nasa White House. Parehong Presidente ay binaril nang Biyernes. Parehong silang binaril sa ulo.

Mas mahiwaga pa: Ang pangalan ng sekretarya ni Lincoln ay Kennedy. Ang pangalan ng sekretarya ni Ken­nedy ay Lincoln.

Pareho silang pinaslang ng Southerners (taga-Timog ng USA). Parehong humalili sa kanila ang Southerners na apelyidong Johnson.

Si Andrew Johnson, na humalili kay Lincoln, ay isinilang nu’ng 1808. Si Lyndon Johnson, na humalili kay Kennedy­, ay isinilang 1908.

Si John Wilkes Booth, na pumatay kay Lincoln, ay pinanganak nu’ng 1839. Si Lee Harvey Oswald, na pumatay kay Kennedy, ay pinanganak 1939. Pareho silang kilala sa kanilang tatlong pangalan. Parehong mga pa­ngalan­ ay tig-15 letra. Parehong napatay bago litisin.

Kumapit sa upuan: Pinatay si Lincoln sa Ford Theater­. Pinatay si Kennedy sa kotseng “Lincoln”, gawa ng Ford.

Tatayo na ang balahibo mo: Isang linggo bago mabaril si Lincoln ay nasa Monroe, Maryland. Isang linggo bago mabaril si Kennedy ay kasama si Marilyn Monroe.

Matapos barilin si Lincoln sa teatro tumakbo at nagtago ang salarin sa bodega. Matapos barilin si Kennedy mula sa bodega tumakbo at nagtago ang salarin sa teatro.

Hindi na ito kayang ipaliwanag ng History teacher.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ABRAHAM LINCOLN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with