^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Kapit-tuko’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - ‘Kapit-tuko’

Marami nang tanggapan ng pamahalaan ang naaakusahan na may nangyayaring katiwalian maski noon pa. Hindi mawala-wala ang isyu at pa­ulit-ulit na lang ang umaalingasaw na katiwalian pero ang mga namumuno, naroon pa rin at naka­kapit na parang tuko. Hindi mabaklas-baklas sa pag­kakapit na kahit anong tindi ng batikos o pagbato ng mga kritiko, wala na talagang delikadesa at nagpapatuloy pa sa pamumuno kahit batbat na ng kaliwa’t kanang korapsiyon sa tanggapan.

Sa unang mga taon ni President Duterte sa puwesto, marami nang miyembro ng kanyang Gabinete ang kanyang pinanaog. May ilan din namang nakabalik at inilipat ng ibang tanggapan. May gumawa uli ng kapalpakan at saka na niya tinuluyan. Binigyan niya uli ng tsansa pero talagang matigas ang ulo. Pinakawalan na niya nang tuluyan.

Pinakamarami siyang sinibak noong 2017 at 2018. Tinotoo niya ang sinabi na basta mayroon siyang nalanghap na korapsiyon sa pinamumunuang tanggapan, sisibakin niya. Kahit daw kaunting langhap lang ng katiwalian ay tatanggalin niya.

Ilan sa mga tanggapan na sinibak niya ang pinuno dahil nakaamoy siya ng korapsiyon ay ang Bureau of Customs, Department of Justice, National Irrigation Administration, Social Security System at marami pang iba.

Babala nga ng Presidente sa mga pinuno ng tang­gapan, huwag nang hintayin na ipahiya pa niya. Umalis na lamang daw sa puwesto ang mga nasasangkot sa katiwalian para wala nang ingay pa.

Pero noong 2019 hanggang ngayon, tila nabago ang ihip dahil marami ang nasasangkot sa katiwalian pero wala nang nangyayaring pagsibak. Wala na bang naaamoy o nalalanghap ng katiwalian ang Presidente kaya wala nang nasisibak. O baka naman may naaamoy ang Presidente pero hinihintay niyang magkusa ang pinuno at ayaw niyang ipahiya.

Kaya lang, mahirap paalisin ang “kapit-tuko’’. Kahit matalas ang batikos at kritisismo, nananatili pa rin ang kapit at walang delikadesa.

Sa kasalukuyan, nasa mainit na kontrobersiya ang PhilHealth dahil sa isyu ng korapsiyon. Kama­kailan, ang Department of Health naman ang nasa ganito ring kainit na kalagayan.

KAPIT TUKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with