^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag iprayoridad ang death penalty

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag iprayoridad ang death penalty

Nagpapakitang Gilas ang mga mambabatas kay President Duterte sapagkat sinisimulan nang talakayin ng House Committee on Justice ang batas na bumubuhay sa death penalty. Nasa­ling yata ang damdamin ng mga mambabatas sa sinabi ng Presidente sa State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27 na wala nang interes ang mga ito sa parusang kamatayan. Matamlay ang mga mambabatas kaya nagparinig ang Presidente.

Kahapon, tinalakay ng House panel ang 12 bills at isa rito ang kontrobersiyal na parusang kamata­yan. Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na tatalakayin na nila ang death penalty na binanggit ng Presidente sa SONA.

Hiniling ng Presidente sa mga mambabatas na ipasa na ang death penalty para sa mga drug traffickers at iba pang karumal-dumal na krimen. Ka­ma­tayan aniya sa pamamagitan ng lethal injection ang nababagay sa drug syndicates sapagkat ang mga ito ang sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan. Ayon sa Presidente, talamak na ang illegal na droga sa bansa na walang ipinagkaiba sa nangyayari sa Colombia at Mexico.

Campaign promise ni Duterte ang paglutas sa drug problem sa bansa. Una niyang sinabi na sa loob ng anim na buwan ay lutas na ang problema. Pero hindi nangyari at lumubha pa kahit maraming napatay sa drug operations.

Nakapagtataka lang na kung kailan nasa gitna ng pandemia ang bansa ay saka ipinasusulong ang parusang kamatayan. Bakit ngayon na marami ang naghihikahos dahil nawalan ng trabaho, walang ma­kain at nagkasakit, at kung anu-ano pang problema saka ipaggigiitan ang pagpapasa ng death penalty. Masyado nang apektado ang buhay ng mamama­yan dahil sa pandemic crisis.

Sa halip na talakayin ang parusang kamatayan­, bakit hindi muna ang solusyon kung paano maka­kaahon ang bansa sa kinasadlalang krisis. Ano ang mga gagawing hakbang para mapabuti ang kala­gayan ng mamamayan lalo ang mga nawalan ng trabaho.

Salot ang drug traffickers. Totoo ito sapagkat sinisira nila ang kinabukasan ng kabataan. Pero sa kasalukuyan, ang ilalaman sa sikmura ang kaila­ngan ng mamamayan. Ito ang unahin. Isantabi muna ang pagtalakay sa parusang kamatayan.

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with