^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magulang ang dapat ikalaboso

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Magulang ang dapat ikalaboso

Mga menor-de-edad ang karaniwang nahahawahan ng COVID-19. Karamihan sa kanila ay mga nakatira sa matataong lugar na ang mga bahay ay dingding lang pagitan. At dito rin makikita ang mga menor-de-edad na nasa kalye pa kahit disoras ng gabi. Pagala-gala sila sa labas kahit wala namang mahalagang ginagawa. Kahit may ipinatutupad na curfew, walang takot ang mga menor at patuloy sa paglilimayon. Mayroong nagkumpol-kumpol na nagkukuwentuhan, nagtatawanan at mayroon pang mga nag-iinuman. At karamihan sa kanila ay walang face mask.

Maraming lungsod at bayan ang nagpapatupad ng curfew na nagsisimula ng alas-diyes ng gabi hanggang alas singko ng umaga. Mayroon namang alas nuwebe hanggang alas kuwatro ng umaga. Maraming nagrorondang pulis at barangay tanod para mapigilan ang paglabas, paglaboy at paggala ng mga kabataan.

Pero talagang marami ang pasaway na kabataan at nakakalusot pa rin sa mga nagbabantay. Tila ba mayroon silang sekretong lagusan na dinadaanan para makapuslit. At nakapagtataka na hindi naman ito nalalaman ng kanilang mga magulang. O maaa-ring ang kanilang mga magulang ay naglilimayon din. Maaaring wala rin sa bahay ang mga magulang kaya ang kanilang mga anak ay nagmistulang mga pinakawalang baka sa lansangan.

Pinakamaraming kabataan na lumalabag sa curfew sa Maynila. At ito ang nagpapasakit sa ulo ni Mayor Isko Moreno. Noong nakaraaang linggo, nakapagtala ang Maynila ng 9,367 na curfew violators at karamihan ay mga menor. Ayon pa sa report, 1,039 sa mga ito ay walang face masks.

At isang paraan ang naisip ni Moreno para masawata ang mga kabataan sa paglaboy sa lansangan –– ikakalaboso ang mga iresponsableng magulang. Ipinag-utos ni Moreno sa Manila Police District (MPD) na kasuhan ang mga magulang ng mga kabataang lumabag sa curfew.

Magandang paraan ito para matuto ang mga magulang at mabantayan ang kanilang mga anak para hindi lumabas ng bahay. Kapag nakalaboso sila, maaaring magtanda na at hindi na pababayaan ang mga anak. Maaaring epektibong paraan ito para mabawasan ang pagkalat ng virus.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with