^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tiyakin na hindi malalabag ang karapatang pantao

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tiyakin na hindi malalabag ang karapatang pantao

Nilagdaan na ni President Duterte ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020 (Republic Act 11479) noong Biyernes. Ito ay sa kabila na maraming tutol sa batas sapagkat marami raw probisyon dito na maaaring maabuso ang karapatang pantao. Wala rin umano sa tiyempo ang pagkakapasa nito at halatang minadali ng mga mambabatas. Ang masaklap pa, ayon sa mga tutol sa Anti-Terror Bill, nilagdaan ito habang ang bansa ay nakikipaglaban sa pandemia. May mas mahalaga pa umanong magagawa gaya nang pagbibigay ng ayuda sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho at pagbibigay ng pagkain sa mga mahihirap na nagugutom. Inuna pa umano ang batas na maaaring abusuhin ng mga magpapatupad nito. Ayon sa mga mambabatas na tutol sa Anti-Terror Bill, iaapela nila ito sa Korte Suprema.

Pero sabi naman ni Sen. Panfilo Lacson, isa sa may akda ng Anti-Terror Bill, maraming safeguards ang batas. Bago umano ito inaprubahan ay dumaan sa pagbusisi para hindi magkaroon ng butas at malagay sa peligro ang mga maaakusahang terorista. Ginawa ang batas para mapigilan ang mga gagawa ng karahasan sa bansa. Ayon pa sa Senador, walang pinipiling araw o oras ang mga terorista at maaari silang sumalakay at maghatid ng lagim. Maski aniya may pandemia ay maaari silang maghasik ng karahasan. Sagot ito ng senador sa mga kritiko na bakit daw kung kailan pa may pandemic saka inapura o minadali ang batas. Nilinaw ni Lacson na sa ilalim ng bagong batas, hindi basta-basta maaaresto ang isang tao na pinaghihinalaang terorista. Huwes pa rin ang mag-iisyu ng warrant of arrest.

Ganap nang batas ang Anti-Terror Bill. Kung iaapela ng mga tutol sa Korte Suprema, puwede naman. Hindi naman masisisi ang iba kung ma-ngamba dahil may mga alagad ng batas na lumalabag sa karapatan. Dapat pang ipaliwanag na mabuti ng mga may-akda ng batas na wala itong lilikhaing sugat sa mamamayan. Ayaw ng mamamayan na maulit ang nangyari sa diktaduryang Marcos na maraming inaresto at ikinulong. Klaruhin pang mabuti ang Anti-Terror Bill para ganap na maunawaan at hindi kasindakan.

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with