^

PSN Opinyon

3 sintomas sa babae na dapat masuri

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

SA mga kababaihan, kung mayroon kayo ng mga sumu­sunod na sintomas, ipinapayo ko na magpatingin sa doktor:

1. May bukol sa suso, kahit gaano kaliit

Mga 10% ng mga kababaihan na may bukol sa dibdib ang nagkakaroon ng kanser. Minsan, normal na may mga bukol sa suso na nagsama-sama (tinatawag na fibroadenoma), o kung minsan ay cyst lamang. Karaniwan na nagkakaroon ng mga maliit na bukol kung parating na ang regla.

Pero kung hindi ka sigurado sa sanhi ng bukol, kina­kailangan magpatigin sa surgeon o doktor. Dahil ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng babae sa kanser ay breast cancer.

2. Abnormal na pagdurugo

Maraming bagay ang nakaaapekto sa regla ng babae, tulad ng pagbaba ng timbang, sobrang ehersisyo at stress. Madalas na kusa itong bumabalik sa normal at hindi na kailangang gamutin. Ngunit kung ang iyong regla ay patuloy na hindi regular, malakas o mas tuma­tagal ang pagdurugo, dapat nang kumunsulta sa OB-Gyne.

Kung may pagdurugo pagkatapos ng pagtatalik, o sa pagitan ng iyong regla, magpa-check-up din. Kung naranasan ang pagdurugo pagkatapos mag-menopause, maaaring isa itong tanda ng kanser.

3. Hindi normal na discharge

Ang normal na discharge mula sa puwerta ay malinaw o puti ang kulay at walang amoy. Pero kung ang discharge ay kulay dilaw, brown o pula, at may mabahong amoy, maaaring tanda ito ng mga sakit. Ang kadalasan dahilan ng ganitong discharge ay impeksiyon tulad ng bacterial vaginosis o thrush, at mga STD tulad ng chlamydia, gonorrhea, herpes o trichomoniasis.

Kung hindi magamot ang STD ay maaaring humantong ito sa pelvic inflammatory disease  impeksiyon sa reproductive organs, na maaaring maging malubha at mawalan ng kakayahan na magbuntis ang babae. Posible rin na kanser sa cervix (kuwelyo ng matris) ang dahilan ng abnormal na discharge. Kumunsulta sa OB-Gyne.

SINTOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with