^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May lason na muli ang hangin sa Metro

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - May lason na muli ang hangin sa Metro

Isa sa magandang bunga ng lockdown sa Metro Manila ay ang pagdalisay ng hangin sa lungsod. Sa loob ng mahigit dalawang buwan na enhanced community quarantine (ECQ), nakita ang malaking pagbabago sa kalidad ng hangin sa MM. Nakalanghap ng sariwang hangin ang mga residente. Napagmasdan ang magandang bundok sa Antipolo na dati ay hindi matanaw dahil sa kulapol ng usok mula sa mga tambutso ng mga sasakyan at mga pabrika. Napakagandang tanawin ng bughaw na bundok ganundin ang mga luntiang damo at mga punongkahoy.

Ngayon ay may pagluluwag na sa Metro Manila dahil sa general community quarantine. Pinayagan na ang pagbubukas ng mga establisimyento, pabrika at paktorya; pagbiyahe ng ilang pampasaherong bus, taxi, traysikel at iba pang pampasaherong sasakyan, maaaring hindi na uli makita ang magandang bundok at mga kakahuyan. Balik uli ang air pollution sa Metro Manila. Malalanghap muli ang hangin na may lason.

Marami nang yumayaot na sasakyan sa EDSA. Trapik na uli. Wala na namang tigil ang pagbuga ng nakalalasong usok mula sa tambutso. Ganundin naman, umuusok na ang tsimneya ng mga pabrika. Pati na ang usok mula sa pugon ng mga pagawaan.

Ayon sa report, 120,000 Pilipino bawat taon ang namamatay dahil sa pagkalanghap ng hangin na may lason. Pangatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia na marami ang namamatay sa air pollution. Nangunguna ang China at ikalawa ang Mongolia.

Karaniwang pinagmumulan ng hangin na may lason ang ibinubugang usok ng mga sasakyan. Walumpong porsiyento na pinanggagalingan ng air pollution ay mula sa mga karag-karag na sasakyan.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang ma­ruming hangin ay nagdudulot ng noncommunicable diseases (NCDs). Kabilang sa mga sakit na nakukuha dahil sa pagkalanghap ng hangin na may lason ay allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases.

Matinding kalaban ang air pollution na maihahalintulad din sa salot na COVID-19. Nararapat kumilos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para mapigilan ang pagkalason ng hangin. Maghigpit sa mga sasakyan at pabrika na nagbubuga ng lason.

ECQ

LOCKDOWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with