^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang bakuna, walang ‘face-to-face’ classes

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Walang bakuna, walang ‘face-to-face’ classes

Mabuti at nakapagdesisyon na ang Department of Education (DepEd) hinggil sa pagpasok ng mga estudyante ngayong may banta ng COVID-19. Walang “face-to-face classes” hang­ga’t walang bakuna. Dati, nagpapahiwatig ang DepEd na tuloy ang “face-to-face” classes sa kabila ng pandemic. Hindi raw dapat maatrasado ang pag-aaral ng mga bata kaya ipinaggigiitan nila na tuloy ang opening ng school year.

Una nang tumutol si President Duterte sa balak­ ng DepEd na buksan ang klase. Ayon sa Presi­dente, napakadelikado kung bubuksan ang klase sapagkat posibleng magkahawahan ang mga estudyante habang nasa classroom. Dikit-dikit umano sa upuan ang mga bata at tiyak na tatamaan ang mga ito. Sabi ng Presidente, hangga’t walang bakuna, walang pasok ang mga bata. Hayaan na munang maglaro ang mga bata. Laru-laro na lang muna sila at kapag nakatuklas ng bakuna, saka buksan ang klase.

Nakumbinsi ang DepEd sa paninindigan ng Presidente na kailangan ay may bakuna bago mag-“face-to-face” classes. Sa halip na “face-to-face” blended learning ang ipatutupad ng DepEd.

Sa blended learning, gagamit ng gadgets, computer, radio at TV para maturuan ang mga bata. Ang mga walang gadgets, susuplayan ng printed modules at ihahatid bawat buwan sa bahay ng mga ito. Sa pamamagitan ng mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo, makakahabol din ang mga estudyante sa mga aralin at maraming matututunan sa kabila na dumaranas ng hirap ang bansa dahil sa COVID-19.

Sabi ni DepEd Secretary Leonor Briones, sa blended learning na ipatutupad sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24, natitiyak umano niya na magugustuhan ito ng mga estudyante. Pabor si Briones sa paggamit ng radio sapagkat lumabas sa kanilang survey na maraming school ang may radio stations. Patuloy umano ang paghahanda ng DepEd sa blended learning.

Sana maging matagumpay ang bagong mode sa pagtuturo na ipakikilala ng DepEd at makasabay ang mga bata. Kailangang matuto ang mga bata lalo pa’t nakaharap ang bansa sa isang pagsubok sa pagbagsak ng ekonomiya.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with