^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga sakit na lumulutang sa panahon ng tag-ulan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga sakit na lumulutang sa panahon ng tag-ulan

Paparating na ang tag-ulan ayon sa PAGASA. Mga huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo at idedeklara na ang pagpasok ng tag-ulan. Kahapon, maraming lugar sa Metro Manila ang inulan at sinabayan pa ng mga pagkidlat at pagkulog.

Sa kasalukuyan, nakatutok ang pamahalaan sa pananalasa ng COVID-19 na sa huling tala ng Department of Health (DOH) ay 12,942 na ang kaso. Mahigpit ang pagpapatupad sa social distancing, pagsusuot ng face mask at ang madalas na pag­hu­hugas ng kamay.

Ngayong papasok na nga ang tag-ulan, hindi lamang COVID ang dapat tutukan kundi pati na rin ang iba pang sakit na nakukuha sa panahong ito. Tiyak na sa pagbuhos ng ulan, baha ang kasunod at dito maraming sakit na nakukuha. Dapat maging alerto ang lahat hindi lang sa COVID.

Isa sa mga dapat bantayan ang leptospirosis na nananalasa kapag baha. Ang leptospirosis ay nakukuha sa baha na kontaminado ng ihi ng daga. Kapag ang virus ay pumasok sa sugat na nasa paa o binti ng taong lumusong sa baha, dito na magsisimula ang leptospirosis.

Nakamamatay ang leptospirosis kaya huwag lumusong sa baha ang may sugat sa paa at binti. O kung lulusong, magsuot ng bota para may pro­tek­siyon sa baha na may ihi ng daga. Noong naka­raang taon, 1,030 kaso ng leptospirosis at 93 ang namatay. Payo sa mga magulang, huwag haya­ang maglaro o maligo sa baha ang mga anak.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula ang mga mata. Ayon sa mga doctor, lumalabas ang mga sintomas makaraan ang pitong araw pagkalusong sa baha na kontaminado ng ihi.

Marumi ang Metro Manila. Maraming basura sapagkat maraming residente ang walang disiplina sa pagtatapon. Sa mga basurang ito nabubuhay ang mga daga. Kapag bumaha, hindi lang basura ang inaanod kundi pati ihi ng daga.

Hindi lamang lepto ang lumulutang kundi pati na rin ang dengue. Kaya panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis. walang mabubuhay na daga o lamok. Ipagpatuloy ang nakasanayan nang paglilinis na iminulat ng COVID-19 para hindi kumalat ang sakit at epidemya.

COVID-19

DOH

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with