Ang Urinary Tract Infection (UTI) ay impeksyon sa kidneys, ureters, bladder at urethra. Ginagamot ito sa pamamagitan ng antibiotics.
Sa mga babae: Gumamit ng mild soap o hindi matapang na sabon panlinis ng puwerta. Ang tamang pagpunas sa pag-ihi ay simula sa harap muna papuntang puwitan. Mali kung simula sa puwitan papuntang harapan.
Uminom nang maraming fluids para ma-flush out ang mga bacteria. Magsuot nang maluwag na pantalon at cotton na underwear para mas mahangin. Habang naka-antibiotics, mainam kumain ng yogurt.
Ang pyelonephritis naman ay impeksyon sa kidney mula sa bacteria. Ang pasyente ay nilalagnat, masakit ang balakang, madalas umihi, o merong dugo sa ihi.
Pag may bato sa bato (kidney stones), magbawas sa matinding ehersisyo tulad ng mahabang pagtakbo at hazing.
Sa urine test o urinalysis, sinasahod ang midtsream o gitnang labas ng ihi na may dami na mga 10 ml at ibibigay sa laboratoryo.
Problema sa pag-ihi:
Kapag nahihirapang umihi, maaaring may kaba o depende sa lokasyon kung saan umiihi. Sa lalaki, puwedeng lumaki ang prostate gland at naiipit ang tubo sa pag-ihi, o may kanser sa prostate o prostatitis. Puwede rin may problema sa urethra dahil may impeksiyon, sugat o dumaan na bato. Kapag madalas umiihi (polyuria), maaaring dahil uminom ng kape, tsaa, alak, buntis, natatakot, o may impeksyon sa pantog.
Ang may diabetes ay madalas maihi, may rashes at yeast infection, at minsan ay may bladder prolapse o buwa (pelvic organ prolapse). May pagkakataon ng konti ang ihi (oliguria) pag may glomerulonephritis, kidney failure o dehydration kung nagtatae.