^

PSN Opinyon

Urinary Tract Infection (UTI)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang Urinary Tract Infection (UTI) ay impeksyon sa kid­neys, ureters, bladder at urethra. Ginagamot ito sa pamamagitan ng antibiotics.

Sa mga babae: Gumamit ng mild soap o hindi ma­tapang na sabon panlinis ng puwerta. Ang tamang pag­punas sa pag-ihi ay simula sa harap muna papuntang puwitan. Mali kung simula sa puwitan papuntang harapan.

Uminom nang maraming fluids para ma-flush out ang mga bacteria. Magsuot nang maluwag na pantalon at cotton na underwear para mas mahangin. Habang naka-antibiotics, mainam kumain ng yogurt.

Ang pyelonephritis naman ay impeksyon sa kidney mula sa bacteria. Ang pasyente ay nilalagnat, masakit ang balakang, madalas umihi, o merong dugo sa ihi.

Pag may bato sa bato (kidney stones), magbawas sa matinding ehersisyo tulad ng mahabang pagtakbo at hazing.

Sa urine test o urinalysis, sinasahod ang midtsream o gitnang labas ng ihi na may dami na mga 10 ml at ibibigay sa laboratoryo. 

Problema sa pag-ihi:

Kapag nahihirapang umihi, maaaring may kaba o depende sa lokasyon kung saan umiihi. Sa lalaki, puwedeng lumaki ang prostate gland at naiipit ang tubo sa pag-ihi, o may kanser sa prostate o prostatitis. Puwede rin may problema sa urethra dahil may impeksiyon, sugat o dumaan na bato. Kapag madalas umiihi (polyuria), maaaring dahil uminom ng kape, tsaa, alak, buntis, natatakot, o may impeksyon sa pantog.

Ang may diabetes ay madalas maihi, may rashes at yeast infection, at minsan ay may bladder prolapse o buwa (pelvic organ prolapse). May pagkakataon ng konti ang ihi (oliguria) pag may glomerulonephritis, kidney failure o dehydration kung nagtatae.

URINARY TRACT INFECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with