^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ayudahan ang OFWs

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ayudahan ang OFWs

Maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang apektado sa pananalasa ng coronavirus at humihingi sila ng tulong sa pamahalaan na tingnan din naman ang kanilang kalagayan. Ma­rami sa mga OFWs ang inabutan ng lockdown kaya hindi makaalis. Marami rin sa kanila ang sinabihan na ng kanilang mga amo (partikular ang mga domestic helpers sa Middle East at Hong Kong) na huwag na munang bumalik sa bansang pinagta­trabahuhan dahil sa paglaganap ng COVID-19.

Marami ring seafarers ang hindi na rin makaalis­ at ang iba namang dumating mula sa ibang bansa ay nananatili pa ring naka-quarantine. Hindi nila alam kung saan kukuha ng gagastusin kung magpapatuloy pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon sa report, may mga OFWs na stranded sa ibang bansa. Hindi sila makaalis dahil nagpatupad ng lockdown. Problema nila kung paano uuwi. Nana­nawagan sila sa pamahalaan na tulungan silang makauwi sapagkat hindi nila malaman ang gagawin. May report na mayroon daw mga tauhan sa embahada o konsulada ng Pilipinas na hindi pinapansin ang hinaing ng OFWs.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) nasa 150,000 OFWs ang naapektuhan sa pananalasa ng COVID-19. Dahil nagkaroon ng lock­­down sa mga bansa na kanilang pinagtatrabahuhan, tigil ang kanilang suweldo. Pero sabi ng DOLE, hindi lamang ang mga OFWs na nasa Pili­pinas ang makakatanggap ng ayuda kundi pati na ang mga naapektuhan sa bansa na kanilang pinagta­trabahuhan.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang mga OFW sa ibang bansa na apektado ay makakatanggap ng $200 at mga nasa Pilipinas ay P10,000. Bukod pa sa mga nabanggit mayroon pa rin silang matatanggap sa Overseas Workers and Welfare Administration. Ayon pa kay Bello, nakapagproseso na sila ng 30,000 applications sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP).

Tulungan ang OFWs. Marami na silang nagawa sa bansa sa panahon ng financial crisis at sa pagkakataong ito, sila naman ang dapat ayudahan. Huwag sana silang pagkaitan ng agarang tulong.

ECQ

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with