^

PSN Opinyon

Supporters ni Kap, umapela sa (1)

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Naging mainit ang mga sumbong laban sa mga mapang-­abusong barangay officials simula pa lamang ng enhanced community quarantine. Hindi lamang ito sa Metro Manila kundi maging sa malalayong probinsiya sa bansa.

Matatandaan ang sumbong ng isang taga-Bayambang, Pangasinan. Sinugod siya ni Kap sa kanyang bahay dahil tinawag niya itong korap sa kanyang Facebook page. Nagsimula ang problema nang i-post niya sa kanyang Facebook ang singil na P10 ng barangay para sa quarantine pass. Ang siste, ang mga nagkomento ang tumawag kay Kap ng korap hindi ang nagrereklamo.

Sa galit ni Kap, sumugod ito sa bahay ng kanyang residente. Ang sumbong, pinagsusuntok daw siya ni Kap at nang gumanti siya ay mas tinamaan nang marami ang chairman. Tumawag si Kap ng pulis, hinuli ang residente’t kinulong. Nagpiyansa ng P36,000 para makalaya.

Ipinaabot namin kay Usec. Martin Diño ng DILG Barangay Affairs ang sumbong pati ang mga ebidensiyang ipinadala sa amin ng nagrereklamo.

Matapos naming maipalabas sa PTV4 at YouTube ang sumbong na ito, may mga supporters si Kap na nag­komento sa BITAG Live page. Kesyo hindi raw totoo ang sumbong, sinungaling ang nagrereklamo, tapos na raw ang imbestigasyon ng DILG sa kasong ito at napatuna­yang ang nagrereklamo ang may kasalanan. Dapat ay ma­pakinggan namin ang bersiyon ni Kap.

Para sa patas na pamamahayag at apela ng supporters­ at kamag-anak ni Kap na nagmemensahe sa amin, tina­wagan ko si Kapitan habang ka-video chat ko ang nag­re­­reklamo.

Abangan ang resulta sa kolum na ito. Maaari ring mapanood sa mga susunod na araw sa PTV4 sa BITAG Live at sa BITAG Official YouTube Channel.

ECQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with