^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Masakit na kamatayan ng mga sundalo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Masakit na kamatayan ng mga sundalo

KAILAN malulupig ang mga teroristang Abu Sayyaf? Ito ang laging itinatanong kapag nala-lagasan ang mga sundalo ng pamahalaan. Kailan wawakasan ang mga taong ito na halos dalawang dekada nang sumisira sa imahe ng Pilipinas.

Noong Biyernes ng hapon, 11 sundalo ng Philip­pine Army mula sa 21st Infantry Battalion ang napatay makaraang masabugan ng improvised explosive device (IED) sa Bgy. Danag, Patikul, Sulu. Hinahabol ng mga sundalo ang 40 Sayyaf na nina Radulan Sahiron at Hatib Hadjan Sawadjaan nang maganap ang pagsabog. Ang pagsabog ay sinundan ng palitan ng mga putok na umabot ng 1 oras. Limang miyembro ng Abu Sayyaf ang napatay.

Dinala na sa Army Headquarters sa Zamboanga ang mga bangkay ng 11 sundalo. Naka-half mast ang watawat sa lahat nang key military camps sa bansa bilang pagpupugay sa mga namatay na sundalo. Mga tunay silang bayani na nabuwal habang lumalaban.

Nakalulungkot ang nangyari sa mga sundalo habang ang bansa ay nakikipaglaban naman sa coronavirus. Mas matindi pa sa virus ang mga tero­ristang na walang awa kung pumatay – lalo kung walang ibabayad na ransom money ang kanilang kinidnap.

Simula pa noong 1998, marami nang kinidnap at pinatay ang teroristang Sayyaf. Mula nang maupo si President Duterte noong 2016, ilang dayuhan na ang pinatay ng mga bandido. Kabilang dito si Juergen Gustav Kantner, isang German. Pinugutan siya nang mabigo ang pamilya na makapagbigay ng P30 million ransom. Noong 2017, dalawang Canadian pa ang pinugutan. Ang una ay si John Ridsdel, 68, na hiningian ng P20 milyong ransom subalit hindi rin naibigay ng pamilya. Ang ikalawa ay si Robert Hall, 66, na pinugutan din nang hindi rin maibigay ang hinihinging ransom money.

Nararapat doblehin ng AFP ang puwersa para maubos na ang Sayyaf. Umano’y nasa 1,000 na lamang ang miyembro ng mga ito. Kaunti na lamang ito. Tumulong naman sana ang mga Bangsamoro military para ganap nang maubos ang mga tero-rista. Putulin na ang masama nilang gawain.

ABU SAYYAF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with