^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Patuloy ang pagsasamantala ng mga gahamang negosyante

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL- Patuloy ang pagsasamantala ng mga gahamang negosyante

Marami pa ring negosyante ang nagsasamantala sa sitwasyon. Kahit alam nilang marami na ang naghihikahos dahil sa pinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ), ang nasa isip pa rin ng mga gahamang negosyante ay magsamantala sa kapwa. Patuloy sila sa pagkamal ng pera kahit sa masamang paraan gaya nang sobrang pagtataas ng presyo ng mga produkto. Hindi na nila inisip ang kalagayan nang nakararaming mamamayan na hindi malaman kung saan kukunin ang panggastos para pambili ng pangangailangan.

Marami ang walang hanapbuhay at ang inaasahan na lamang ang manggagaling sa pamahalaan. May mga pangakong financial aid ang Department of Labor pero hanggang ngayon wala pang natatanggap ang mga manggagawang nawalan ng trabaho.

Sinasamantala ng mga tuso ang sitwasyon. Kung dati ang pinapatungan nila nang malaking presyo ay ang alcohol, facemask, antiseptic, thermal scanner at iba pang gamit na panlaban sa virus, ngayon, pati mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, isda at karne ay itinataas na rin nila.

Ayon sa report, sobra na ang patong sa mga paninda na inilalako sa mga loob ng subdibisyon at walang magawa ang mga parukyano kundi bumili. Pikit-matang binabayaran ang produkto kahit sobra-sobra ang patong. Nauso ang pagbebenta ng mga pangunahing produkto sa mga bahay-bahay o sa loob ng mga subdibisyon makaraang maghigpit sa mga palengke na dinadagsa ng mga tao.

Malaking tulong sana ito para hindi na lumabas ng bahay ang mga tao at magtungo sa palengke pero sobra naman ang presyo na hindi na makatao. Sana naman, maging parehas ang mga negosyante lalo at walang hanapbuhay ang nakararami. Huwag namang magsamantala sa panahon ng krisis. Nararapat na alamin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nangyayaring ito at maparusahan ang mga nagsasamantala. Maawa naman sa mga taong natutuliro na kung saan kukunin ang panggastos ngayong naka-lockdown ang Luzon. Imbestigahan ang mga gahaman.

COVID-19

ECQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with