^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Makiisa at sumunod para di-dumami ang problema

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Makiisa at sumunod para di-dumami ang problema

MARAMING pasaway. Maraming sutil at matitigas ang ulo na naglabasan ngayon. Sa halip na makatulong para mabawasan ang dinaranas na problema ng bansa, pinararami pa. Kailan kaya matututo ang mga Pinoy na sumunod para malabanan ang coronavirus na lumulumpo sa bansa ngayon.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitipun-tipon o mass gatherings sapagkat dito nagsi­simula ang paghahawahan ng sakit. Kung mag­kakadikit-dikit, patalun-talon lang ang virus na galing sa taong infected at kakapit na ito sa katabi. Kaya nga ipinatutupad ang social o physical distancing para hindi na kumalat ang virus. Isang metro ang distansiya sa bawat isa para hindi uma­bot ang droplets mula sa taong umubo o bumahin. May nagsabi na dapat ay dalawang metro ang layo para masigurong hindi aabot ang droplets.

Pero hindi ito nalalaman nang marami at kung alam man ay binabalewala na sa kagustuhang masunod ang bisyo. Ganito ang ginawa ng mga pasaway na sabungero mula Caloocan City na dumayo ng tupada sa Maynila noong Linggo. Ginawa ang tupada sa North Cemetery. Nahuli ang mga pasaway at nangatwirang wala na raw silang pagkukunan ng ikabubuhay. Nakapagtataka lang na mayroon silang perang pangsabong. Dapat hindi na kasama sa mga binibigyan ng financial aid ang mga ito. Baka ang binigay na tulong ay pinangsabong.

May mga nahuli rin na nagtutupada sa Valenzuela City. Nagtakbuhan ang mga pasaway na sabungero pero nahuli rin sila ng mga pulis. Pinatay lahat ang mga sasabungin at ginawang tinola at saka pinakain sa mga tao.

Hindi na sana dumagdag pa sa problema ang mga taong ito. Ayon sa report sa mga ganitong pagtitipun-tipon na gaya ng sabong nakukuha ang sakit. Kapag nagkasakit sila, dagdag kargo ng mga ospital na sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 5,000 ang nagpositibo. Makipagtulu-ngan, makiisa at sumunod para matapos na ang problema.

PASAWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with